Chapter- 1

1893 Words
“SENYORITA Maggie, may lalaki po sa labas ng gate.” “Sige, ako na ang bahala. Bumalik ka na sa ginagawa mo.” Binuksan niya ang monitor sa labas ng gate. Nahindik at kumakabog ang kanyang dibdib. Tumambad sa paningin niya ang guwapong lalaking nakatayo sa harap ng monitor. Pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya habang katabi ang itim na kabayo. “Who are you?” Nakita niyang natigilan ang lalaki sa labas at hindi naman nagtagal ay nagsalita rin ito. “Ah, naliligaw ako ng daan. Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ako makalabas ng kagubatan.” Nag-isip muna siya kung ano’ng gagawin sa lalaki. “Come inside, mister.” Sabay ini-on ang auto open ng gate at bumukas agad iyon. Nanatili siya sa pagkakatayo sa mataas na bintana habang pinagmamasdan ang lalaki. Mabagal itong naglalakad papasok sa nakabukas na gate habang hila ang kabayo nito. Nakita niyang nagpalinga-linga pa ito, marahil hinahanap kung nasaan ang tao sa paligid. Hindi niya alam ang sasabihin sa lalaki kaya hindi siya lumabas ng bahay. Minabuti niyang bumalik sa kuwarto at tapusin ang ginagawa. After fifteen minutes ay sinilip uli niya ang lalaki pero hindi na niya ito nakita kaya nagpasya na siyang bumaba at lumabas. Nabutan niyang tulog ito sa bangko habang nakalaylay ang ulo. Lalapitan sana niya ito at gigisingin nang umungol ang kabayo. Bumaling siya sa napakagandang kabayo na kasing-itim ng gabi ang kulay ng balahibo nito. “Hi, handsome, are you hungry?” Agad namang gumalaw ang buntot nito. Nilapitan niya at hinaplos ang ulo nito saka inabot ang tali at dinala sa likuran ng bahay. Nakaisip siya ng kapilyuhan at agad na binalikan ang lalaki. Tinawag niya ang dalawang tauhang lalaki na busy sa paglilinis ng likod-bahay. Tinalian niya ang lalaki at inutusan ang dalawa na buhatin at dalhin ito sa guest room. Maingat nilang inihiga ang amoy alak na tulog pa ring lalaki. Ipinatali niya ang mga kamay at paa nito sa kama. Nang wala na ang mga tauhan ay pinagmasdan niya ang kabuuan ng lalaki. Naalimpungatan at napadilat ito nang maramdaman ang presence ng kung sino. Umupo sa tabi niya ang babae at halos magkadikit na ang kanilang katawan. Pero dahil sa inis ay binalewala niya ang babae at bumaling sa ibang direksiyon. “Hey!” Sabay labas ng cell phone na hawak. “Akin na nga ’yan! Bakit ka nakikialam ng gamit ko?” galit na sigaw niya sa babaeng cool na nakaupo at walang-kagalaw-galaw. Nagseryoso ang babae at tumingin sa kanya. “Did you run away kaya dito ka napadpad?” “Wala kang pakialam! Akin na ’yang cell phone ko, b***h!” Malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. “Hindi ako b***h! Gag* ka! Tinatanong kita dahil may messages ka! F*ck you!” Sabay balibag sa kanya ng cell phone at sapul siya sa dibdib. Iniwan siya ng nanggagalaiting babae, patunay ang malakas na pagbalibag nito sa pinto. Medyo malayo ang binagsakan ng cell phone niya at hindi niya iyon maaabot dahil nakatali siya. Nag-ring uli iyon hanggang sa tumigil na lang ang pagtunog. ***** SA labas ng pintuan ay naalarma si Maggie. Alam niyang emergency ang mga tawag na iyon. Dahil sa sobrang inis niya sa antipatikong lalaki ay binalewala niya iyon. “Senyorita, senyorita!” sunod-sunod na tawag ng isang maid sa kanya. “O, bakit ka humahangos? Ano’ng problema?” “May mga armado hong lalaki sa labas ng gate.” Agad na sumilip si Maggie sa bintana at isa-isang pinasadahan ng tingin ang nasa walong lalaki. “Do not open the gate at magsibalik kayo sa inyong kuwarto, madali kayo! Before that, i-double lock ang mga pinto at bintana.” Agad na itinulak ni Maggie ang pinto at nagmamadaling inalis niya sa pagkakatali ang nagtatakang lalaki. “May mga armado sa labas ng gate!” Agad na may tinawagan ang lalaki sa kanyang cell phone. “Kuya, I’m here in Villa Samonte. Please puntahan ninyo ako at may mga armado dito sa labas ng gate.” “Stay inside, parating na kami.” Agad na hinila ni Maggie ang nagulat na lalaki kaya pinalis nito ang kamay niya. “Namumuro ka na, ha!” “Sumunod ka nga sa akin! Mamaya tayo mag-away hangga’t gusto mo! For now, sumunod ka sa akin, okay?” Tahimik siyang sumunod sa babae hanggang pumasok sila sa napakalaking silid. Itinulak nito ang isang malaking painting. Biglang bumukas iyon at bumungad sa paningin ng lalaki ang sari-saring klase ng baril at mga armas. Mabilis ang kilos ng dalaga na inilagay ang maraming palaso ng pana sa likuran niya. Hinagisan siya ng dalawang magkaibang baril kasunod ang ilang magazine ng bala. Nagugulatang lalaki sa kakaibang kilos ni Maggie. Napakabilis nitong gumalaw. May isa pang painting na itinulak ito. Bumukas ’yon at isang hagdan ang bumungad sa kanya. “Come with me.” At mabilis ang kilos na nawala ito sa paningin niya kaya naman agad siyang sumunod dito at automatic na sumara ang nilabasan nila. Sa pinaka-rooftop pala siya dinala nito. Agad silang pumwesto roon. Bigla itong tumayo at mabilis ang kilos na sunod-sunod pinakawalan ang palaso mula sa pana. Hindi halos makita ng lalaki kung saan tinamaan ang mga armadong lalaki sa baba. Isa-isang nalaglag mula sa kabayo ang mga ito. Nakakahiya mang aminin pero ni isa ay hindi siya nakapagpaputok. “Let’s get them!” “Pero may mga baril ang mga iyon, miss.” “Call me Maggie, and you?” “Call me Dark.” malamig nitong sagot sa kanya. About them “Siguradong hindi makakahawak ng baril o anumang sandata ang mga ’yon dahil may nakalagay na pampamanhid ang mga palaso.” Pasimpleng humanga si Dark sa kakaibang galing ng babae. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganito. Nang bumukas ang malaking gate ay nakahiga na lahat sa damuhan ang walong lalaki. Malakas na pinagsisipa ni Maggie ang mga baril ng mga iyon at siya naman ay agad na kinuha ang lahat ng weapon sa katawan ng mga kalalakihan. Pinagtatali niya ang mga ito gamit ang kakaibang itim na tali. Hindi kayang lagutin iyon unless gagamitan ng steel cutter. Habang hinihintay nila ang mga kapatid ni Dark ay umupo muna sila sa malapit na bench. Nakahalukipkip lang itong nakamasid sa mga lalaki. Halos isang oras ang lumipas saka nagdatingan ang mga ito. Takang-taka si Josh na isa sa ka-quadruplets ni Dark nang maabutan na nakaupo lang sila at tahimik. “Ah, Miss Maggie, quadruplets ko,” pakilala niya sa dalaga. “Nasaan pala si Kuya Drake, Kuya Josh?” “Nasa mansiyon, hindi ko na pinasama. Alam mo namang hindi pa puwede iyon sa ganito at baka mabinat.” Tinawagan ni Josh ang kilala niyang hepe sa kabilang bayan. Ipinaalam niya ang nangyari at agad namang rumesponde ang mga ito at parating na raw. Iniwan nila sa labas ang ibang tauhan ni Josh para bantayan ang mga armadong kalalakihan. “Doon muna tayo sa loob.” Dinampot ni Maggie ang intercom at may kinausap doon. “Drinks, guys?” “Water lang, Miss Samonte.” “Inday, bring three bottles of water and give me hot coffee.” Naupo sila sa mahabang sofa sa malawak na living room. “Paano napunta dito ang kapatid namin?” “He said naliligaw daw siya at hindi na makalabas ng kagubatan.” Nag-smirk pa ang babae, naiinis na naman si Dark dito. “Really?” Malakas ang tawa ni Josh. “Isang Montemayor, naliligaw at hindi makalabas ng kagubatan?” Kahit si Delta, isa pa nilang kakambal ay malakas na napatawa. “You! Kung ’di mo ako tinalian, wala sana ako sa bahay mo!” Pikon na pikon si Dark sa babae. Talagang makahanap lang siya ng pagkakataon, yari sa kanya ang babaeng ito. Palihim na pinagmasdan ni Josh ang kapatid at ang babae. “By the way, Miss Maggie, salamat sa pagpapatuloy sa kapatid namin.” “Welcome.” Sabay tipid na ngumiti sa mga ito. Hindi nagtagal at nagpaalam na rin sila nang tumawag na ang hepe na malapit na sila. “Brother, tara na.” “Hey! Nasaan si Speed?” “Naroon sa likod.” Saka siya tinalikuran ang dalaga. Napilitang sumunod si Dark at nang makita si Speed ay nagmamadaling niya itong inalis sa pagkakatali at agad itong sinakyan. Walang lingon-lingon na sinipa niya ito at matuling pinatakbo palabas ng malaking gate. Nasundan na lang ng tingin ni Maggie ang lalaking matalim ang mga mata. ***** SA daan, habang tumatakbo sila ay tinawag si Dark ng kapatid. “Hey, brother, papaano mo nakilala ang babaeng ’yon?” “Ngayon ko lang siya nakita, Kuya, dahil dito kay Speed. Dalhin ba naman ako doon.” “Are you sure? Pero bakit ka niya tinalian at dinala sa kuwarto niya?” Nanunudyo ang boses ni Josh. Si Delta naman na isa pa nilang kapatid ay tatawa-tawa habang nakikinig sa dalawa. “Brother, baka siya na ang soulmate mo. Kaya lang mag-ingat ka doon. Mukhang amasona at kung totoong siya ang may gawa doon sa mga armadong lalaki, kakaiba talaga siya.” “Kuya, hindi ang ganoong babae ang magugustuhan ko. Masyadong mataray ang isang ’yon at hindi ko siya type.” “Baka bukas-makalawa ay umuungol ka na habang tinatawag ang pangalan niya?” pambubuska ni Delta sa kanya. “Hindi mangyayari ’yon, Kuya Delta. At kung sakali man ay hanggang kama lang siya. Wala sa character niya ang gugustuhin kong maging ina ng mga anak ko.” “Naku, sinabi mo ’yan, ha? Siguraduhin mo lang dahil ’pag tama ako, panigurado na kakainin mo lahat ng sinabi mo.” “Itataga ko sa bato ang double-blade kong pinakamamahal na knife ’pag hindi kayo ang nagkatuluyan!” malakas na sigaw ni Josh saka sila iniwan nito at matuling pinapatakbo ang sinasakyang puting kabayo. ***** SA Villa Samonte ay nakahiga sa kama si Maggie. Hindi niya makalimutan ang mukha ng binata lalo na no’ng galit na galit sa kanya ito. Hindi rin alam ni Maggie kung bakit naisipan niyang ipatali ito at dalhin sa guest room. ‘Pero grabe ang kaguwapuhan ng magkakapatid na iyon, ha!’ Nangingiti lang siya habang nakatitig sa kisame. Sa dinami-dami ng mga lalaking naging boylet niya ay may pakiramdam siyang kakaiba ang isang ’yon. Hindi maiwasan ni Maggie ang makaramdam ng lungkot tuwing maaalala ang mga lalaking dumaan sa buhay niya. Lahat ay pare-pareho na iisa lang ang gusto sa kanya, ang pinakaiingatan niyang p********e. Alam niyang iyon lang ang habol sa kanya ng lahat kaya hindi nagtatagal ang mga nagiging boylet niya dahil sa bagay na iyon. ’Yong huling boyfriend niya ay halos puwersahin na siya para lang pumayag na makipag-s*x siya. Pero hinding-hindi niya iyon ibibigay unless may darating na lalaking kayang tibagin ang matigas niyang prinsipyo. At ’pag dumating ang lalaking kaya siyang patiklupin at kaya siyang pasunurin ay doon niya ipagkakaloob ang katawan niya. Sana nga meron pang lalaking gano’n ngayon. Hindi kagaya ng mga dumaan sa kanya na walang mga binatbat. Ni hindi siya kayang i-handle. Parang siya pa ang lalaki at mga walang paninindigan. Ayaw niya ng gano’ng lalaki. Nakaramdam siya ng challenge sa isang Montemayor. Palagay niya ay hindi basta-basta ang lalaking iyon. Although naririnig na niya ang ilang bahagi ng background ng mga Montemayor, ayaw niyang basta maniwala rito unless siya mismo ang makapagpapatunay sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD