Chapter- 2

2159 Words
“HELLO, Maggie, nasaan ka na? Masyado nang late.” “Ito na, papunta na.” Kung hindi lang niya kaibigan itong Polly na ito ay baka nasapak na niya. “Bumili ka kasi ng bahay dito sa Manila nang hindi ka laging kulang sa oras!” Aba’t talagang inuubos ang maiksi niyang pasensiya. “Promise, on the way na ako. Give me thirty minutes.” “Oh, sh*t! Gano’n katagal? Susme ka talagang Russian ka! Kung hindi lang kita—” “What? Baka gusto mong tanggalan kita ng isang bay*g?!” “Mahadera ka talaga! ’Kakadiri ang bunganga mo kaya walang lalaking tumatagal sa ’yo!” Malakas siyang natawa. “T*ngina mo, bakla! Manahimik ka’t baka ikaw ang mabalingan ko!” “Eww! Kahit ganito ako, hindi kita gugustuhin! Mas lalaki ka pa kaysa sa akin, amasona! Mag-old maid ka na lang!” “Humanda ka sa akin mamaya. Sige na, bye muna. Nasa highway na ako, baka maaksidente pa ako.” Ilang buwan nang hindi siya nakapapasyal sa Manila. Mas gusto niyang nasa hacienda kumpara sa maingay, mabaho, at mausok na kapaligiran ng Kamaynilaan. Nahampas niya ang manibela nang halos ayaw nang umusad ang mga sasakyan dahil sa mahabang traffic. Minabuti niyang buksan ang kanyang iPhone at ikinonnect sa kanyang kotse. Namili siya ng kanta habang nakatigil ang mga sasakyan. Sumandal muna siya at nakinig ng music para malibang at mawala ang stress. Biglang tumigil ang magandang song dahil sa pumasok na tawag. “Takte kang Polly ka, hindi makapaghintay! “Malapit na, Inday Badiday! Ma-trafic lang kaya please wait lang po.” ‘Pakabait muna ako nang kaunti, ayaw kong madagdagan ang stress.’ “Hello, bestie, nariyan ka pa ba? T*ngina, pinatayan ako.” Paliko na siya sa may Ortigas nang biglang may humahagibis na sasakyan ang sumalubong sa kanya. Dahil pa-easy-easy ang kanyang takbo at dahil wala nang oras para mag-isip ay sinikap niyang iliko ang kotse sa isang poste. Mahilo-hilo siya nang mauntog sa manibela ng kotse niya. Ginalaw-galaw niya ang ulo at pati na ang mga balikat. Nang masigurong okay na siya ay kinuha niya ang baril sa compartment saka bumaba. Diretso ang lakad niya palapit sa nakatigil na black Ferrari sports car. “Lumabas ka riyan!” Sabay sipa sa gilid ng kotse. Wala siyang pakialam kung mamahalin ang sasakyang iyon. Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon at lumabas ang matangkad na lalaki. “Ikaw?! P*cha, sa dinami-dami ng mga kotse dito sa Pilipinas ay talagang ikaw pa?!” “Kung alam ko lang na ikaw ’yang sakay ng kotse mong bulok, eh sana sinagasaan pa kita!” “Ah, gano’n?!” Sabay tutok ng baril ni Maggie sa ulo ni Dark! Walang sinayang oras ang binata at mabilis na nakaiwas kasabay ng malakas na putok. ‘F*ck! Talagang papatayin ako ng amasonang ito!’ bulong ni Dark sa isipan. Napaatras si Maggie dahil sa bilis ng kilos ni Dark. Seryosong tinapunan niya ng matalim na tingin ang binata na nakangisi pa. “Sa susunod na magkita pa tayo, tutuluyan na kita!” Saka lang napansin ni Maggie na napakaraming tao sa paligid. Agad siyang bumalik sa sariling kotse at pinasibad iyon. Si Dark ay nag-bow pa sa karamihan habang nagtitilian ang mga naroroon. Nang makasakay sa kanyang black Ferrari ay kumaway pa ito. Ang mga pulis na parating ay wala nang inabutan. Kahit kailan talaga, ang mga pulis palaging late. ***** HABANG nagda-drive ay hindi mawala sa isipan ni Dark ang amasonang iyon. Paano pala kung hindi siya nakaiwas agad? Eh ’di paglalamayan na siya ngayon. Next time na magkita sila ay may kalalagyan talaga itong lintik na amasonang ito. Malakas ang ingay ng gulong nang pasadsad na tumigil siya sa harap ng nakatayong mga kapatid. Patungo sila sa racing place dahil every Saturday ay routine na nila iyon. “O, bakit poker face ka, brother?” “Paano, sa dinami-dami ng kotseng mai-encounter ko sa Ortigas ay si Amasona pa!” Malakas na pinagtatawanan siya ng mga kapatid. “Talagang ang destiny ay pinaglalapit,” sabay-sabay na pang-aalaska ng tatlong kapatid. “Binaril kaya ako, mabuti at mabilis kong nailagan. Sana meron kayong paglalamayan ngayong gabi.” “Oh? Totoo ba ’yan, brother?” Biglang nagseryoso si Josh. “Yeah. Hindi sana ako bababa ng kotse kaya lang pinagsisipa niya ang gilid ng sasakyan ko. Then agad na kinalabit ang baril sa tapat ng ulo ko.” “F*ck! May pagka-killer pala ang isang ’yon? Kaya mag-ingat ka, Dark, or iwasan mo na lang.” “Bakit ko gagawin ’yon? Sa susunod na magkita kami ay sisiguraduhin kong may kalalagyan ’yang amasona na ’yan!” “Tara na nga, mga brother. Sayang ang oras.” Magkakasunod ang apat na sumibad na palayo. ***** SAMANTALA, sa restaurant ay inip na inip na si Polly hanggang sa dumating si Maggie. “Oh! Stop and close your bad mouth! Mainit ang ulo ko, Poling, baka ikaw ang mapagbalingan ko at mabaril kita sa bunganga mo!” Namumula ang mukha ni Maggie kaya hindi nagawang magtaray ni Polly. Nanahimik na lang siya at hinintay na lang itong magsalita. Nang nakainom ng tubig ay dinampot ni Maggie ang car key at agad na tumayo. Nagmamadali namang sumunod si Polly patungo sa parking lot. Nasa highway na sila nang hindi na nakatiis si Polly. “What happened ba?” “T*ngina! Sa dinami-dami ng mae-encounter ko, ang Montemayor pang liktik na ’yon.! In fairness, mabilis umilag, ah! Kundi ay paglalamayan na sana iyon ngayon at siguradong nasa jail na ako ngayon.” “What? Montemayor ba ’ka mo?” “Yeah. Si Dark Montemayor nga, bingi mo!” “Whoa! Si Fafa Dark? Oh, sh*t! Ang guwapo ba talaga sa personal?” Kilig na kilig si Polly at nagtu-twinkle pa ang mga mata. “Batukan kita d’yan, eh! Landi nito! Hoy! Kahit ilang beses ka pang tumuwad sa harapan n’on ay hindi ka n’on papatulan kaya tigilan mo ’yang ilusyon mo!” “Ay! Insultuhin daw ba ’ko? Sige, ikaw na! Ikaw na ang maganda! Magandang amasonang old maid!” Sa halip na magalit ay malakas siyang natawa. “Bestie, pero guwapo talaga at hot ang Dark na ’yon. Kung mabait sana, eh puwede nang pagpantasyahan. Pero jusko naman, bakla, saksakan ng sama ng ugali!” “Alam mo, ateng, baka kulang lang si Fafa Dark sa himas. Alam mo na ang mga barako.” Saka humagikgik. “Polly, ’di ba marami ka nang naging boylet? Totoo ba na ’pag mahaba at mataba ang daliri ay malaki din iyon?” “Ahay! Yes na yes, ateng! Sigurado ’yon na mga ten to twelve inches ang haba at Ligo ang taba.” “Anong Ligo? Baka Leggo?” “Ay ang tanga lang, ateng?! Amasona ka pero walang alam! Ligo, ’yong sardinas!” “Oh, God! ’Yong sardinas sa lata? Ibig mong sabihin, gano’n kataba?" “Yes na yes! At lata ng sardinas! Nagta-Tagalog ka lang, mali pa! Ahay, kailan kaya kita matitikman, Fafa Dark?” Malakas na binatukan ni Maggie si Polly. “Lata ng sardinas, sardinas sa lata, gano’n din ’yon! Magtigil ka sa ilusyon mo!” Sabay stop ng sasakyan. “Let’s go.” Nakayakap pa si Maggie sa baywang ni Polly at kung pagmamasdan sila’y para silang sweet couple. “Ateng, huwag mo akong yakapin at puwede bang dumistansiya ka sa akin?” “At bakit? Ang arte mo yata ngayon, ha?” “Kasi naman kung makayapos ka, feeling mo jowa kita. Ang dami pa namang guwapo sa paligid.” Napahalakhak siya. “Malandi ka! Dali, mag-fill up na tayo ng makapag-target shooting na!” Nasa Camp Crame sila para mag-target shooting. Siyempre naloloka na naman si Polly sa mga nakasuot ng uniform na mga pulis. “Ano ba, Poling! Magta-target shooting ba tayo o maglalaway ka na lang sa mga pulis na ’yan?” “Naman, ateng, ang bunganga mo talaga! Puwede bang lagyan mo naman ng kaunting preno?” “Tara na para pagkatapos nito ay makapag-bar pa tayo bago ako bumalik ng hacienda.” “O sige-sige, sabi mo ’yan, ha? Ahay, sigurado ang daming hot fafa. Doon tayo sa sikat na bar, ateng, ang dami daw guwapo doon sabi ng kaibigan kong bading.” “Yup! Promise.” Habang nagta-target shooting si Maggie ay hindi mawala sa isipan niya si Dark. Tingin tuloy niya sa target ay mukha iyon ng nakangising binata. Ilang beses niyang ipinilig ang ulo ngunit nanatili pa rin sa imahinasyon niya ang nakakainis na ngisi nito. Sinunod-sunod ni Maggie ang putok at lahat ng ’yon ay sapul sa krus ng noo ng target. Malakas na palakpak ang nagpalingon sa kanya nang alisin niya ang kanyang head set. “Excellent, Ms. Samonte. Sana nagpulis ka na lang.” “Hindi ako puwedeng maging pulis. Baka lahat ng tiwaling opisyal ay pasabugin ko ang ulo.” “Masyado kang mainit, miss. Gusto ko ’yan.” Sabay tawa sa pikon na babae. Tinaasan niya ng kilay ang heneral na nasa katabing target area rin. Isa rin ito sa mga corrupt na high official. Natapos nila ang isang oras at umalis na sila ni Polly. Nag-mall pa sila at nanood ng movie then nagpa-salon silang dalawa. Almost 8 PM na sila natapos kaya agad silang kumain sa nadaanang Italian resto. Past 10 PM na nang pumasok sila sa isang sikat na bar. Ang malanding baklang kasama niya ay walang-tigil sa kaiikot ng mata. “Go on, lumandi ka na. Dito lang ako sa counter.” ‘Sigurado ka ba, ateng?” “Yup! Balikan mo lang ako after two hours.” Nailing na lang siya habang tinutungga ang Martini. Kaisa-isang kaibigan niya si Polly rito sa Pilipinas. Nakasakay lang niya ito sa plane noong unang tapak niya rito sa bansa. Dalawang taon na ang lumipas at gano’n na sila katagal na magkaibigan. Kahit bakla ito ay high profile ito at mataas ang pinag-aralan. Sa katunayan ay isa itong CPA lawyer, kaya hindi halatang bakla ito dahil sa iniingatang reputasyon. Nakararamdam na siya ng pagkahilo at ang init na ng pakiramdam niya. Palinga-linga niyang hinanap ang kaibigan pero wala ito. “Ang pagkakataon nga naman, oo!” Nalingunan niya ang nagsalita na very familiar sa kanya ang boses. “Sh*t! Bakit narito ka? Lumayo ka sa akin!” Sabay lagok uli ng hawak na Martini. Pero sa halip na umalis ang lalaki ay umupo pa ito sa katabing vacant chair at nag-order ng inumin. “Sigurado akong wala kang baril ngayon.” Kahit maingay ay rinig niya ang sinabi nito dahil halos idikit na nito ang bibig sa tainga niya. “Puwede ba, Dark? Umalis ka nga dito!” “Wow, Ms. Amasona. Kailan ka pa nagkaroon ng permission na tawagin ako by my first name?” “I mean, Mr. Dark Montemayor, sorry.” “H’wag kang mag-sorry kung labas sa ilong. Saka hindi bagay ’yon sa isang amasona.” Pakiramdam ni Maggie ay insulto sa kanya ang pananalita ni Dark. Ilang beses pa siyang luminga para hanapin si Polly pero hindi niya ito makita. Ilang sunod-sunod na lagok pa at binuksan niya ang kanyang pouch saka naglabas ng cash at inilapag iyon sa counter. Mabilis siyang tumayo at kahit nakararamdam na ng hilo ay nagmamadaling lumabas. Malapit na siya sa parking lot nang isang kotse ang biglang tumigil sa harapan niya. Mabilis ang pangyayari at hindi siya nakapalag nang bigla siyang ipasok ng kung sino sa loob ng sasakyan. Bigla ang kaba niya. Sa tama ng alak sa katawan ay siguradong mahihirapan siyang manlaban. Hindi siya nagpahalatang takot at umayos pa ng pagkakaupo saka sumandal. Hindi namalayan ni Maggie na nakatulog na siya. ***** NAALIMPUNGATAN si Maggie sa pamamanhid ng mga braso at paa niya. Sinikap niyang kumilos pero hindi siya makagalaw kaya nagdilat siya ng mga mata. Biglang lumukob ang takot at kaba niya nang mapag-alamang nakatali ang mga kamay at paa niya. Madilim sa kuwarto at tanging lamp lang ang nakabukas pero aninag niya ang loob nito. Luxury room ang kinalalagyan niya. Sino ang gagawa sa kanya nito? Bigla ang realization niya. “Dark?” Biglang lumiwanag ang paligid at halos manlaki ang mga mata niya nang pumasok ang lalaki. “Pakawalan mo ako dito!” “Pakawalan? Ano ako, gag*?” May ngising demonyo ang mukha nito habang minamasdan ang kabuuan niya. Saka lang na-realize ni Maggie na tingnan ang sarili. “Bastos! Pakawalan mo ako, hayup ka!” “Talagang hayup ako! Demonyo pa nga, eh. Hayaan mo, ipalalasap ko sa ’yo kung gaano ako kahayup at kademonyo.” Nanlaki ang mga mata ni Maggie nang makita niya ang nangingintab na knife na hawak nito. “A-Ano’ng gagawin mo?” Hindi mapigilang maghalo ang nginig at takot sa boses ng dalaga. “P-Please, huwag mong gawin sa akin ito.” “Sige, magmakaawa ka lang.” Saka malakas na lumipad ang knife patungo sa kanya. “Huwag!” malakas na sigaw ni Maggie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD