Chapter 2: ESCAPE
KINUHA ni Karissa ang mahahalagang gamit at inilagay sa isang bag. Ngunit problema niya kung paano niya iyon itatakas.
Habang nag-aayos nakatanggap siya ng sagot na mensahe mula sa kaibigan. Kaklase niya si Cathy nang isang taon sa kolehiyo. Dahil matalino ang kaibigan niya, agad na pinalad ito na makapagtrabaho sa Maynila.
Samantalang siya, dahil sumabay ang kapatid na si Mandy sa kolehiyo kinailangan niyang huminto sa huling anim na buwan.
Tumunog ang kanyang cellphone para sa bagong dating na mensahe.
Meron. Gusto mong mag-apply? Irerekumenda kita sa Boss ko, sagot nito.
Thank you, mars! Tatakas lang ako dito sa bahay kaya huwag kang maingay, ha?
Naisip niya na ilagay sa garbage bag ang mga gamit.
Wait lang, ha! Hindi ito 'yong tipo ng garbage bag na kulay itim na lagyanan ng basurahan ng mga yayamanin. Plastic bag na supot ng Puregold ang tinutukoy niya rito.
Karamihan ng gamit niya ay galing sa damuho niyang ex-boyfriend. Magaganda ang mga bigay nito dahil may kaya sa buhay ang lalaki. Okay naman ang samahan nila. Isa lang ang hindi niya matanggap, ayaw nitong makipaghiwalay sa dati nitong nobyo. Ang siste, nagging sideline tuloy siya ng lalaki.
Nagpakamatay na kasi ang babae noong bago-bago pa lang sila na mag-jowa. Sinisi ito ng mga kasama sa barkada kaya walang nagawa ang mokong kung hindi ang makipagbalikan sa babae.
Iniwas at binura niya na sa isip ang dumohong lalaki at inayos ang gamit para makatakas. Inilabas niya ang mga supot ng plastic bag ng Puregold.
"Ano ‘yan?" usisa ni Tiya Pusit.
Tila lumundag ang puso ni Karissa nang marinig ang matinis na boses ng babae sa kanyang likuran.
"I-ibebenta ko sa kaklase ko na si Joana, Ante, para may pang parlor ako mamaya," naisip niyang isagot dito.
Tila tinanggap naman ng luka-luka sa kanyang katwiran kaya pinaalis na siya nito.
"Basta bumalik ka agad, ha?!" pahabol pa nito.
Nang makatalikod ay inikutan niya ito ng mata. Ano siya hilo? Babalik siya doon? No way! Eh 'di, pwede na siyang maihalintulad sa talangka na excited na lulutuin ng chef sa kusina.
Sumakay ng tricycle si Karissa at nagpahatid sa sakayan ng jeep para makapunta sa bayan at doon siya sasakay ng bus papuntang Maynila.
Samantala sa bahay nila…
Dumating ang kapatid niya sa kanyang ama kay Tiya Pusit na si Mandy. Sa sobrang ikli ng pekpek shorts nito ay mapagkakamalan na itong naka-panty ng maong. Tinernuhan pa nito ng blusang pula. Pulang-pula ang labi at naka-pusod ang buhok na sobrang taas. Mas mataas pa sa Eiffel Tower, chos!
Matanda lang si Karissa kay Mandy ng tatlong buwan.
O ‘di ba, ang landi ng tatay niya? Sa loob ng tatlong buwan ay may nabuo agad sa ibang babae. Iba na ang fuccboi!
"`Ma, ano na? May pera na ba tayo para makapunta ako sa Japan? Kailangan ko nang bumili ng ticket!"
"Huwag kang mag-alala. Ihahatid natin si Karissa mamaya kay Don Facundo. Babayaran niya tayo ng isang milyon," natutuwa na balita nito. Nagniningning ang mata na tila nanalo ng jackpot sa jueteng.
Hindi naman makapaniwala si Mandy. Hindi niya matanggap na may bibili kay Karissa na isang milyon.
Kahit pa na isang matandang hukluban ang bibili dito, hindi niya matanggap na may tao na handang gumastos para sa kapatid, ito ay sa kanto-kanto lang nalilibre. Sa buong buhay kasi ni Mandy, kahati niya sa lahat si Karissa. Kaya inis siya sa kapatid at hindi sila malapit sa isa’t isa. Bukod pa roon, mas nagagandahan ang lahat kay Karissa kaysa sa kanya.
Lagi siyang hinahalintulad dito, kaya noon pa man ay hindi niya gusto ang kapatid sa ama.
"Nasaan siya?"
"Nagpunta daw kay… Joana ‘ata iyon."
"Joana? Wala dito 'yong classmate namin na Joana. Nasa Japan na at nauna sa akin na umalis. Malamang tumakas ang babaeng iyon, kaya good luck sa isang milyon mo," wika ni Mandy na iiling-iling na tumalikod.
Naiwan namang tulala si Tiya Pusit.
….
NAGPAHATID si Karissa sa tricycle hanggang sa sakayan ng Jeep. Nilabas niya ang mga gamit at saka inilagay sa magandang bag na nasa loob din ng garbage bag na dala-dala habang nasa loob ng tricycle.
'O ha’yan bongga! wika niya sa sarili matapos maiayos ang mga gamit.
Ilang saglit lang ay sakay na rin siya ng jeep. Inisip niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Napakamalas niya na nagkaroon siya ng pangit na pamilya.
Siguro dahil sanay na siya kaya hindi niya magawang umiyak kahit noon pa man. Nakilala siya bilang matatag na babae. Hindi na bale, sabi nga ni Sharon Cuneta, “Darating din ang araw at bukas ay luluhod ang mga tala.”
….
MAHABA-HABA ang biyahe ni Karissa na inabot ng walong oras, madaling araw na siyang nakarating sa bus station sa Cubao, Quezon City.
Mabuti na lang at nagkaroon siya ng mabait na kaibigan sa katauhan ni Cathy. Binuksan niya ang cellphone na ilang oras na nakapatay. Pagkabukas ng telepono, ilang mensahe ang nagsipasukan mula sa madrasta niya, kay Mandy at sa kanyang ama. They are all cursing her.
Binelatan niya ang telepono na tila iyon ang tatlong taong tinik sa kanyang pagkatao.
Bahala kayo sa buhay niyo! Hmp!
Kasalanan ba niya kung hindi niya feel na magpakasal sa Don Facundo na malaki ang tiyan, mataba, mukhang m******s at mukhang hindi naliligo ng sampung araw? Kasalanan ba niya kung maganda siya?
Yeees???
Hinanap na lang niya ang pangalan ni Cathy at nag-text siya sa kaibigan na naroon na siya sa bus station. Ilang saglit lang ay nakatanggap naman agad siya ng sagot mula rito na hintayin siya saglit.
Nakaramdam ng lamig si Karissa dahil patapos na ang Pebrero at alas dos na ng madaling araw. Um-order muna siya ng kape na tig-sasampung piso sa tindera na nasa gilid ng bus station habang hinihintay ang kaibigan.
Nagmuni-muni muna si Karissa. Sa ngayon ay dadalawang libo na lang ang natitira sa pera niya na kinita niya sa pagbenta-benta ng mga bag, pag-demo ng kung ano-ano at pag-tutor sa anak ng kaibigan ng dating nobyo.
Ang napanalunan niya sa “Mutya ng Baranggay Pilapil” o kung ano man ang contest na iyon ay napunta sa madrasta niya. Walang napunta sa kanyang pitaka kahit piso. Matapos niyang makuha ang sobre ng napanalunan ay agad iyong napunta sa palad ni Tiya Pusit. Nakaramdam siya ng inis sa babae.
Ilang saglit lang ay isang kotse ang huminto sa tapat ng bus station at lumabas mula roon si Cathy. Nabigla siya na makita na nakasakay sa isang magarang kotse ang kaibigan niya. Halata ang pagtataka sa mukha ni Karissa.
Hindi niya akalain na bigtime na ang babae.
"Karissa!" masayang bati nito na nagpagising sa lumilipad niyang kaisipan.
"Cathy!" Lumapit siya dito saka niyakap nang mahigpit ang kaibigan. "Hindi ko akalain na bigtime ka na ha!"
"Ah... I-it's a long story. Nandito ang boyfriend ko," sabi nito. Halata niya na hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Nilingon niya ang sasakyan kung saan ito lumabas. Sigurado siya na mahal ang sasakyan na iyon.
"Ahh... pasok na tayo," aya nito.
Pinasakay siya sa likod ng sasakyan at sa front seat naman ang kaibigan niyang si Cathy. Doon niya lang napuna mula sa rear-view mirror na nasa edad kuwarenta pataas na ang nobyo nito.
Kumunot ang noo niya pero hindi siya nagsalita. Saka na niya uusisain ang kaibigan kapag silang dalawa na lang.