MAAGA akong nakarating sa classroom at nakita kong ako pa lamang ang nandito. Pumasok na ako at umupo sa aking silya. Napatingin ako sa aking wristwatch, alas-otso pa lamang ng umaga sa akin. Kaya one hour pa akong maghihintay. Napatingin ako sa aking phone, walang text na galing kay Yago. Nag-ask kasi ako sa kanila kung anong nangyari sa usapan nila ni Zendee. Pero, wala akong nakuhang reply sa kanya. Paniguradong nasa library siya ngayon, wala pa siya ngayon, e. Doon kasi ang tambay spot niya. School-holic ang isang iyon. Unti-unti nang dumadating ang ibang classmates ko at mga nakaupo silang nagku-kwentuhan. Gusto kong sumali sa usapan nila, pero tinatamad akong tumayo para makipag-chikahan sa kanila. “Katrina, si Yago nasaan? May suggestion kami sa decorations natin sa Foundation