DUMATING ang lunch break, nandito na ulit kami sa Botanica Garden — dito na namin piniling kumain every lunch break namin. “May away raw na naganap kaninang umaga. Narinig ko sa mga higher year kanina pagpasok ko.” bungad na sabi ni Bianca sa amin. May tsismis siya agad sa amin. “Kaya ba ang daming nagtatakbuhan kanina?” tanong ko sa kanya. Tumango-tango siya sa akin. “Oo, pupuntahan ko nga kanina pero naalala kong mala-late na ako. Hindi kasi ako tinawagan ni Zendee kanina!” malakas na sabi ni Bianca at tinuro si Zendee. “I called you twice, Bianca. You just didn't hear it. Paniguradong nagpuyat ka na naman kagabi kakalaro ng online games.” sermon ni Zendee sa kanya. Napangiti na lamang ako ng kakamot-kamot sa ulo si Bianca. Wala na siyang palag ngayon, mukhang tama ang sinabi