PANIBAGONG araw, sa pagkakataon na ito ay alas-nuwebe na'ng umaga akong nagising dahil 11AM ang pasok ko at 7PM naman uwian ko mamaya. Nakaligo na ako at nakabihis na rin ng civilian outfit namin, Tuesday and Thursday ay ganito kami. Pwede kang hindi mag-uniform sa araw na ito. Naka-black jeans and ruffle tops lamang ako, kulay pink ang isang ito. Isa ito sa bigay ni ate Lennore sa akin, may kwelo rin ito kaya ayos na ayos talaga para sa akin. Kumuha na lang din ako ng jacket kasi malamig doon sa classroom namin. Lahat ng classroom sa Lazaro University ay naka-aircon. Kaya maraming gustong mag-aral doon. As usual, ako na lamang yata ang tao rito sa bahay nila tita Luna, kaya kumain na rin ako at nakisabay kina ate Lala and at ate Glory. “Katrina, narinig namin kay Bing na sinagot mo raw