FRIDAY, ilang araw ang lumipas, matatapos na ang unang linggo ng pasukan namin. Bukas ay weekends na, makakapagpahinga na rin ako, dahil isang linggo pa lamang ang nakakalipas ay sobrang pagod na ang mental at physical ko bilang first year college. Nakatingin lamang ako sa white board habang nagtuturo ang last professor namin ngayong linggo. Nakatunganga lamang ako roon habang nakikinig kay Prof. Pero, itong si Yago ay seryoso ang mukha, naka-salamin pa nga. Magkatabi pa rin kami dahil hindi binago ng mga professor namin ang seat na nangyari nu'ng first day. “Hey, magsulat ka, Katrina. Huwag kang tumingin sa white board lamang.” saad ni Yago sa akin. Napatingin ako at napanguso sa kanya. “Tinatamad na ang buong katawan ko, Yago. Hindi ko maiangat iyong kamay ko para isulat iyong mga n