NAGULAT ako nang mahuli ako ng member ng student council. Pabalik na kami sa classroom namin, kaya bakit ako pa ang nahuli niya? Pʼwede naman si Bianca na nasa harap ko rin. “Kuya, magbabayad ako, pakawalan mo lang ako,” nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang handcuffs sa kamay ko pero ayaw. Naglalakad na kami ngayon papunta sa wedding booth nila. Si Bianca naman ay sinamahan ako. “Bianca,” nagmamakaawa kong tawag sa kanya. Napakamot siya sa kanyang buhok. “Kuya, may duty pa iyang Vice Mayor namin, e. Baka naman iba na lang din?” Pinipilit din ni Bianca iyong lalaking humuli sa akin. Tinitigan lang niya kami at saka lumakad na ulit. “Ayaw niya talaga, wala tayong magagawa, Katrina. Ipanalangin mo na lamang na gwapo iyong ikakasal sayo. At saka, kasal-kasalan l