IKA-APAT na araw ngayong week. Lalo kaming naging busy ni Yago at iba pa naming mga classmates. Tulong-tulong na kami sa paggawa ng mga decorations sa classroom namin for our hotdog stall. Nakaupo na nga kami rito sa gitna ng classroom namin, ang mga upuan naman ay ginilid namin para hindi maging sagabal sa amin. Naggugupit ako ngayon dito ng cartolina para ididikit mamaya sa dingding. Binigyan kami nang laya ng mga professor namin para gumawa ng ganito. Gusto rin nila na maging maganda ang bawat decorations sa mga room namin. “Katrina, okay na ba ito? Heto iyong name ng magiging food stall natin,” tanong ni Jenny sa akin. Binaba ko ang gunting na hawak ko. Tinignan ko ang kanyang hawak. “Rock ʼN Dog,” basa ko roon sa name ng food stall namin. Hindi ko alam kung sino nakaisip niyan, hi