SUNNY’S POV Kinabukasan ay bumangon ako ng maaga at saka ako nag-asikaso. Hindi ko natanong kay Kuya ang tungkol sa biglang pagpunta ni Chichi dito at pagpigil sa ‘kin na pumunta sa Mystica. Hindi ko alam kung anong nangyare pero tingin ko ay si Chichi ang makakasagot sa ‘kin ng bagay na ‘yon. Nang makapag-ayos na ako ay saka ako lumabas ng k’warto at pumunta sa may kabilang k’warto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa ‘kin ang mukha nila Xena, Rianna, Lili at Blaze. “Te--- ang aga nyo namang nandito?” Gulat na sabi ko. “Hindi ko alam kung ano ang nakain ng tatlong ito at sasama daw sila sa ‘tin,” sabi ni Rianna. “Ayy oo nga pala, Ija. Since hindi naman na-celebrate ang birthday mo kahapon ay gaganapin ito sa palasyo. Kaya naman susunod kami mamaya maghahanda lang kami,” sabi naman