XENA’S POV Hindi ko alam kung anong binabalak nya pero kung ano man ang nasa isipan nya ay hindi ko nagugustuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at parang ayaw lumabas ng kapangyarihan ko ngayon. Lumapit sya sa ‘kin at saka nya hinawakan ang baba ko at saka nya kinilatis ito na para bang inaalam kung sino ako. “Ikaw nga ‘yon,” saad nito at nangunot ang noo ko ng iba ang boses nya kaysa sa kanila. “Ano ang kailangan mo sa ‘kin?” tanong ko at sa takot ay halos hindi na ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Halos parang gusto ko na ngang tumakbo pero hindi ko p’wedeng iwan ang mga tumulong sa ‘kin. “Ngayon lang tumaliwas ang pagpapadala sa ‘kin ng aking mapapangasawa o mapipili. Mukhang naiiba ka nga sa mga nauuna?” saad nito at saka mas lumapit pa. Nanginginig ang mga binti ko at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books