CHAPTER 47

2381 Words

BLAZE’S POV Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at nararamdaman ko ang bigat ng katawan ko. Hindi ko magawang kumilos at ang nakakainis ay ang dilim ng buong paligid. Kahit na saan ay wala akong pakita at hindi ko alam paanong gagalaw sa kinalalagyan ko. Ano nga ba ang nangyare at bakit ako nandito ngayon? Hindi ko na rin maalala dahil pagkagising ko’y narito na ako sa lugar na ‘to. Ramdam ko ang mga kakaibang pumupulupot sa katawan ko at pakiramdam ko hindi na rin ako makakakaalis dito. “Blaze… tulungan mo ‘ko,” narinig ko ang boses ni Sunny at pakiramdam ko ay nasa panganib sya ngayon. “Sunny…” banggit ko sa pangalan nito. Mula sa harapan ko ay naro’n ang kakaibang liwanag at tanging iyon lang ang nagbibigay tanglaw sa kinalalagyan ko ngayon. Nararamdaman kong nasa panganib sya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD