HABIRYON’S POV Hindi ko alam kung anong tinutukoy nya pero hindi ko naman sya pahihintulutan na makalapit kay Sunny. Agad na humarang ako ay saka ko sya bahagya na tinulak pero nginisihan lang ako nito. Naiinis ako sa ngisi na ‘yon at hindi ko gusto ang kung anong nakikita ko mula sa kanya. May kakaiba sa kanya at alam kong hindi lang sya basta. Ang pananalita nya ay hindi ko rin alam kung anong pinahihiwatig. “Umalis ka na bago pa ako may gawing masama sa ‘yo.” Tiim bagang kong saad. Tumingin lang sya sa ‘kin. “Alam mo ba ang kasabihan na… mas mabuti pang kalimutan ang nakaraan kaysa ang ipagpatuloy ang nasimulan?” “Kung wala kang matinong sasabihin umalis ka na.” “H’wag masyadog mainipin ang ulo munti kong anak. Hindi ka magiging ganyan kung hindi dahil sa ‘kin.” Nakangiti nyang