Trouble #18: Sad Farewell JANINE LEE GONZALES POINT OF VIEW NAGISING ako ng maramdaman ko na may tumutunog na kutsara at tinidor sa tabi ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Kaizer na nasa tabi ko, mahina akong napangiti dahil do'n. I turned to the side at nakita ko si Janella na lumalamon ng manok sa tabi ko. "Janine, may nararamdaman ka ba?' tanong sa akin ni Kaizer. "Masakit ang puson ko," bulong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang tiyan ko para icheck ang baby ko pero nagulat ako ng lumiit ito. Umimpis siya na tila ba wala ng laman na baby sa loob nito. "Nasaan yung baby ko?" tanong ko sa kanila. Kinakapa kapa ko pa ito pero wala talaga. Bakit wala na yung baby ko dito? Nasaan na iyon? Nagsimula na akong umiyak ng malakas ng mapagtanto ko ito. Nawawala na ang baby ko. "Janine.