Trouble #17: Danger JANINE LEE GONZALES POINT OF VIEW HINDI niya ako niyakap pabalik. Isang matigas na Kaizer ang yinakap ko, walang sagot at walang reaksyon. Hindi katulad dati na hindi niya natitiis ang oily hug ko, ngayon para sa kaniya. Wala ng kwenta ang charms ng oily hug ko. "Get off me..." pangtataboy niya sa akin. Natigilan ako sa mga sinabi niya sa akin at inalis niya ang sa pagkakayap ko sa kaniya. "Bakit ka nandito?" tanong niya muli sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. "Ang tagal na nating 'di nagkita, Kaizer." sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin lalo na sa tiyan ko, nakita ko ang pagbuntong hininga niya. "Kasi ayaw na kitang makita Janine. Naiintindihan mo naman ang mga salitang 'yon diba?" sabi niya sa akin sa malamig niyang boses. "Alam kong kasalanan ko