Trouble #23: Instinct JANINE LEE GONZALES POINT OF VIEW "ANG tagal naman ni Clarri, bwisit talaga yung negrang 'yon, ang bagal kumilos kahit kailan." pagrereklamo ni Kaizer at pinakalma ko siya, may meeting kasi kami kasama ang wedding coordinator. Ngayon, hindi kami makapagsimula sa pagpapaplano kasi gustong maging punong abala nung kambal niya. "Malapit naman na siguro sila saka 6.30 pa lang o, maaga pa kaya kumalma ka," sita ko kay Kaizer. "Kung makapagsalita ka parang hindi ka n***o ha?" sagot naman ni Lucian sa kanya. "Isa ka pa, saksakin kita diyan e" sabi ni Kaizer at tumawa naman kami ni Lucian dahil do'n. Maraming napagusapan regarding sa wedding kasi nga minamadali ni Kaizer ang kasal ang problema hindi mafinalize kasi wala pa si Clarri, ito rin kasing si Kaizer atat e.