CHAPTER 15

993 Words
Sa bawat araw na lumilipas napansin kong gumagaan ang kalooban ko,sa bawat araw na dumadaan nahuhulog ako sa taong pinagkakautangan ko na alam kong tanging katawan lang ang gusto.isang palipas oras.kahit ganun pa man,ay hindi labag sa kalooban ko na ibigay din ang sarili ko sakanya.simula ng mangyari ang araw na iyon,ay hindi niya ako nagawang kumprontahin o sa madaling salita ,hindi sinisingil. Paglabas ko ng silid,para akong lantang gulay na tamad kumilos dahil sa buwanang dalaw ko.Kung pwede lang na wag magkikilos dahil pakiramdam ko ay napakalagkit ko sabayan pa na sumasakit ang puson.Nang makarating ako sa kusina ay sila namang tingin nila saakin,gaya ng dati may kanya kanyang gawain ang mga ito.Pabagsak akong umupo dahil sa isiping ako nanaman ang walang ginagawa.napangiwi ako ng maramdaman kong tila lumakas ang daloy ng dugo ko dahil sa pabagsak kong upo. "Haha anyari sayo sheyah,bat ganyan mukha mo." tanong ni ate Denise.napanguso naman ako. "Mayroon kasi akong buwanang dalaw ngayon,masakit pa ang puson ko." turan ko sabay hilig ng ulo sa mesa. "gusto mo ba sandwich? gagawaan kita,teka lang." sabi ni manang Susan at gumawa nga ng sandwich ng hindi man lang hinintay ang sagot ko. Nanatiling nakahilig ang ulo ko sa mesa kahit pa nailapag na ni manang Susan ang sandwich sa harapan ko.Masakit talaga ang puson ko kaya hindi ko man lang magawang makaramdam ng gutom kahit kaunti. "Hoy sheyah kumain kana." sabi nila na nagkasabay pa talaga.imbes na sumagot ako ay napanguso pa ako Lalo at pumikit. "What happen to her?" tanong ng isang baritonong boses, boses na kilalang kilala ko kaya agad akong nagdilat ng mga Mata at mabilis na umayos ng upo. "Naku,sir Jr.may buwanang dalaw lang po kaya ganyan yan." nanlaki ang mga Mata ko sa sinabi ni ate Denise.Hindi naman na dapat pang sabihin ang bagay na iyon. "Anong buwanang dalaw?" tanong muli ni sir Jr na halatang hindi alam ang ibig sabihin. " menstruation iyon iho." singit naman ni manang Susan.piling ko namumula na ang pisngi ko sa sobrang hiya.Napatango tango naman itong si sir Jr at nadako ang paningin saakin.bigla akong nahiya,parang lulubog ako sa kinauupuan ko kaya bago pa ako tuluyang malusaw sa tingin ay tumayo ako. "Nakalimutan ko,didiligan ko pa pala iyong mga tinanim kong gulay sa likod.Mauna na ako sainyo." paalam ko at mabilis na umalis at nagtungo sa likod ng bahay..Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila kaya halos patakbo akong lumabas. Habang nagdidilig,ang isip ko naman ay parang lutang.Ngayon lang ako naging ganito samantalang dati kapag nagkakaroon ako ng buwanang dalaw hindi naman ako nakakaramdam ng ganito kahit pa sakit ng puson ay wala. "nalulunod na iyang dinidiligan mo." mabilis akong napatingin sa dako ni sir Jr at pilit ngumiti. Napakamot ako sa ulo ng Makita kong nalulunod na nga iyong mga tanim.lutang ka kasi! sigaw ng utak ko. "Kung hindi maganda ang pakiramdam mo,magpahinga ka nalang sa silid mo." sabi niya. "Okay lang po ako sir,hindi naman mabigat ang trabahong ito." ngumiti ako sakanya. Umiling siya at tinawag si mang Leo na isang trabahador niya. " manong halika Muna dito." sigaw niya at bumalin sakin ng tingin. "Pumasok kana at siya na ang magtutuloy niyan. "dugtong niya.wala na ako nagawa dahil hindi pa ako nakakasagot ay inagaw na niya sa kamay ko ang hawak kong host kaya napatango nalang ako at tumalikod. "s**t!" sabi niya.napalingon ako sakanya na kunot noo.Hindi ko alam kung anong problema niya at nagmumura nanaman ito,parang gusto ko tuloy siyang batuhin.Napansin ko ding nagmamadali itong naghubad ng suot na jacket.iniabot niya sakin ito sa hindi ko alam kung bakit? "Aanhin ko ito?" irita Kong tanong. "isuot mo,total malaki yan matatakpan na yan." sabi niya na lalong nagpa lito sa isip ko. "Po?" tanging nasabi ko.dahil hindi ko talaga ito maintindihan. "May tagos ka." mahina niyang sabi at ngumuso para ituro ang pwetan ko.nanlaki ang Mata ko at akma kong sisilipin kung meron nga talaga pero mabilis niyang hinablot saakin iyong jacket na binigay niya at mabilis na itinali sa bewang ko. " ang tagal tagal mong kumilos." bulong niya.sakto namang lapit ni manong Leo. "Bakit po sir may ipapagawa kayo?" tanong nito.tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa hiya. "Ikaw na muna ang magtuloy sa pagdidilig dahil hindi maganda ang pakiramdam ni sheyah." utos niya ,tumango naman bilang sagot itong si manong. "Lets go inside sheyah baka mapano kapa dito." sabi niya.nauna akong humakbang at halos patakbo na ang lakad ko sa bilis dahil alam kong nasa likuran ko lang si sir Jr.Halos kamuntikan narin akong masubsob dahil sa pagmamadali kung hindi lang ako nahawakan neto ay panigurado una nguso ko sa sahig. "Thank you sir." sabi ko na pakamot kamot pa sa ulo. "Bakit ba tila balisa ka?ganyan kaba talaga kapag may regla? " biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niyang regla.Hindi ko magawang sumagot. "teka,ilang araw tumatagal menstruation mo?" tanong niyang muli.Hindi ko alam kung anong nasa isip nito at tinatanong ako ng ganito.sasagutin ko ba o hindi? "3-5days po sir." sagot ko. "Good." sabi niya ng may kasamang ngisi at naunang naglakad.iniwan akong may palaisipan." oh I forgot." biglang harap muli saakin. "bukas sasamahan ka ni Denise na pasyalan ang itay mo." "talaga po!?naku thank you ng marami sir." parang mapupunit na ang pisngi ko sa lawak ng pagkakangiti ko. "Yes,kaya wag mokong matawag tawag na sir at baka magbago ang isip ko."sabi niya.tama nga at nakalimutan ko ang usapan namin tungkol sa pagtawag ko sakanya,kaya ngumiti ako at tinikom ang bibig saka sumenyas na izizipper ko na ang bibig ko.pinaningkitan niya ako ng Mata sabay talikod saakin at tuluyan ng pumasok sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD