CHAPTER 16

1067 Words
Gaya nga ng sinabi ni sir Jr ay sinamahan nga ako ni ate Denise,lulan kami ng magarang sasakyan at pinagmamaneho ni mang domeng papunta sa aming Lugar kung saan ako lumaki.kung saang Lugar na minsan kong nilisan.Habang sakay at nakatanaw sa bintana nakakaramdam ako ng matinding kaba sa isiping magkakaharap na ulit kami ni tatay. Hindi ko maipaliwanag ang samot saring pakiramdam na lumulukob sa dibdib ko.Nandun ang matinding kaba,pero nandun din ang sobrang kasiyahan na makikita kong muli ang tatay ko. "Uy ang lamig ng kamay mo." mahinang sabi ni ate Denise sakin ng hawakan niya ang palad ko.ngumiti ako sakanya. "kinakabahan ako ate." sabi ko na maluha luha.hindi ko rin alam kung bakit naiiyak ako ngayon,siguro dahil excited akong Makita muli ang natitirang mahalaga sa buhay ko.ang aking itay. "Hmmmp! wag kana kabahan,kapag may ginawang hindi maganda sayo ang tatay mo hindi ako magdadalawang isip na labanan siya.Hindi ko hahayaang saktan ka niyang muli." sabi niya na may pataas taas pang kamay na nalalaman na animoy nanunumpa.napangiti ako sakanya,hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil ang palad. "Hindi na siguro ako sasaktan ni itay ate,sabi naman ni sir Jr ay nagbago na siya.na pinagsisisihan niya lahat ng ginawa niyang Mali saakin." "Sus, madaling sabihin mahirap gawin.anong alam naten kung sabi sabi lang ng demonyo mong tatay yan." sabi ni ate Denise na may kasama pang pag irap ng mga Mata saakin at pahablot na kinuha ang sariling mga kamay na hawak hawak ko. "Hindi na ako natatakot,nandyan ka naman,nandun din sila kuya Marco para ipagtanggol ako."sabi kong nakangiti. " ay teka! naku ipapakilala kita dun, gwapo yun ate baka kayo ang meant to be." dugtong ko ng maalala ko ang kuya kuyahan ko. "Hala siya,ibugaw ba ako?" sabi niya.napangisi nalang ako sakanya.nadako ang mga Mata ko sa paligid at hindi ko namalayang malapit na pala kami sa Lugar kung saan ako maagang namulat sa kahirapan. Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong nakita ang itay na nagpapakain ng mga manok habang nakaupo sa batuhan sa ilalim ng puno.napangiti ako dahil nag aalaga na pala itong muli ng manok. Humakbang ako ng humakbang papunta sa kinaroroonan ng itay,tinawag ako ni ate Denise pero hindi ko ito nilingon.Napakagat labi ako ng mapatingin sa dereksyon ko si itay,pabilis ng pabilis ang mga hakbang ko habang maluha luha ang mga Mata ko. Tumayo ang itay,at sa pagkakataong ito ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili at patakbo akong lumapit sakanya.Agad ko siyang niyakap ng mahigpit kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga Mata ko. "Tay,patawad kung iniwan ko kayo.patawad po kung dahil saakin naging miserable ang buhay mo,patawad po kung umalis ako at hindi man lang inisip ang kalagayan niyo.patawad po." sabi ko sakanya habang humahagulgol.naramdaman kong gumanti ito ng yakap saakin ng mahigpit. "Ako ang patawarin mo anak,patawad sa lahat. patawarin moko sa lahat ng nagawa ko." napaangat ako ng mukha at mukha ng umiiyak kong ama ang sumalubong saakin.kumalas din ito sa pagkakayakap saakin at halos madurog ang puso ko ng lumuhod ito sa harapan ko. "Sheyah! sinabi ko ng wag kang...." naputol ang sinasabi ni ate Denise ng makalapit ito sa gawi namin at nabigla dahil sa naaktuhang pagluhod ng aking ama. "Patawarin moko anak,patawad." hagulgol ng aking itay.nakaluhod ito at niyakap ang mga binti ko habang humihingi ng tawad.parang sinasaksak ang puso ko dahil nakikita kong ganito ang ama ko.Hindi masama ang loob ko sakanya,alam kong may mabuti parin itong kalooban kaya hindi nawala saakin ang pag asang babalik siya sa dati.sa pagiging mabuting ama. "Tay,tama na ho.tumayo kayo dyan.Hindi ako galit sainyo,please lang po tumayo kayo dyan." hinila ko siya at niyakap muli. Ilang minuto pa ang tinagal namin sa ganung sitwasyon bago humupa ng tuluyan ang mga sakit na naramdaman namin na tila ba kay bilis nilipad ng hangin ang lahat ng nakaraan at itoy napawi agad. "Hali kayo sa loob at ipagluluto ko kayo ng kasama mo." tumango nalang kami ni ate Denise bilang sagot.kampante narin si ate Denise kaya nakangiti itong tumingin saakin bago kami tuluyang pumasok. Pagkatapos kumain ay masaya kaming nagkukwentuhan na para bang walang masamang nangyari,napuno ng tawanan namin ang loob ng aming bahay.kitang kita ko sa mga mukha ng aking ama ang lubos na kasiyahan.totoo ngang nagbago na siya. "tito kailangan ko ng kasama sa talyer pwede kaba kasi wala iyong...." bungad ni kuya Marco na umagaw sa atensyon namin nila itay at ate Denise.napanganga siya ng madatnan ako na andito sa bahay na para bang nakakita ng isang Multo. "Kumusta kana kuya." sabi ko at mabilis na tumayo at yumakap sakanya. "Ikaw ha!kelan pakayo nagkaayos ni itay." tanong ko habang naniningkit ang mga Mata. Kinuwento nilang dalawa ni itay kung paano sila nag kaayos. humingi pala ng tawad ang aking ama sa lahat ng taga dito lalong Lalo na kay kuya Marco.masaya ako na wala ng kaaway ang itay,na hindi ko akalain ultimo sa panaginip na hihingi ito ng tawad sa lahat. Sa sobrang saya ko,ay nakalimutan ko na na kasama ko pala si ate denise. Hindi ko rin napansing simula ng dumating si kuya Marco ay siya naman itong tila nawalan ng boses. "Ate Denise okay ka lang?" tanong ko at lumapit ng upo sa tabi niya.nakayuko kasi ito na para bang nahihiya.ngumiti siya saakin bilang sagot kaya kunot noo ko itong tinignan. "Sino pala siya sheyah?" tanong ni kuya Marco. "Ay oo nga pala,kuya siya pala si ate Denise.siya iyong tumulong saakin." masaya kong turan. "ikaw pala,salamat sa pag alaga kay sheyah denise. Hindi ko akalain na may magaganda pang kalooban na Tao sa panahon ngayon kahit hindi mo kakilala.mabait na maganda pa.ako nga pala si Marco." sabay lahad ng kamay kay ate Denise.kitang kita ko kung papaano mamula ang mga pisngi ni ate Denise Lalo na ng abutin nito ang kamay ni kuya Marco. "Ayeeeah..parang bigla akong nilanggam ah.marami atang langgam dito Tay hehe." biro ko.napahalakhak naman itong si itay sa sinabi ko.habang si ate Denise naman ay kinurot ako sa tagiliran na halatang kinikilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD