CHAPTER 20

1087 Words
Mugtong mga Mata Ang sumalubong Kay ate denise nang pumasok sa silid para matulog na.Napabuntong hininga siya ng malakas at tumabi saakin.niyakap niya ako at isinandal Ang ulo sa balikat ko.Parang gusto ko tuloy ulit umiyak dahil sa ginagawa niya. "alam Kong may problema pero Hindi Kita pipiliting magsabi saakin.Gusto ko Lang malaman mo na andito ako para SAYO okay?" sabi ni ate denise saakin na may mga ngiti sa labi pero may kalungkutan sa mga Mata. "ate,magagalit ka din ba saakin?" tanong ko sakanya.kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinakatitigan ako. "bat NAMAN ako magagalit SAYO eh Hindi ko NAMAN alam Ang dahilan,Kung magkukwento ka saakin,makikinig NAMAN ako." saad niya. "ate nagmamahal na ako.pero sa taong Hindi pwede at bawal." sabi Kong maluha luha sabay yuko. "si sir jr Diba?" sabi niya.napaangat ako ng mukha at deretsong tumingin sakanya.halata siguro sa akin dahil nagbuntong hininga siyang muli. "halata kasi kayong dalawa na may something." dugtong niya. "anong something,?" tanong ko. "sheyah,tatahi tahimik lang ako pero Hindi ako pinanganak kahapon para Hindi kayo mahalata." sabi niya. "ate sorry,Hindi ko NAMAN.gustong maglihim SAYO.talagang nahulog lang ako sakanya ng diko namalayan." paliwanag ko. "yeah yeah,andun na tayo.pero Sana next time kapag magtutukaan kayo Sana I lock niyo NAMAN muna iyong pinto Diba?Hindi iyong sige ng sige." nagulat ako sa sinabi niya Kaya napahawak ako agad sa braso niya. "nakita mo kaming naghahalikan?" gulat Kong tanong.bigla niya akong kinutungan sabay irap saakin. "Ewan ko ba sayo,dika nag iingat.paano nalang Kung Iba Ang nakakita sainyo eh di ano na?paano ka?" sabi niya na may pag aalala sa mukha. "sorry ate,sorry.sa tuwing naglalapit kasi kami ni sir parang nawawala Ang isip ko sa kapaligiran." at napayuko akong muli. "si ma'am claire din ba Ang dahilan ng pag iyak mo kanina?" deretso niyang tanong.nabibilib na ako sa mga kaalaman niya. "kasi simula ng dumating siya kanina,wala siyang bukang bibig kundi IKAW.halos kakalapag palang ng mga gamit niya IKAW agad Ang tinatanong.nagtaka nga kami lahat sakanya eh dahil bakit puro IKAW,tapos bakit kilala ka niya Diba?.pero dahil ako may alam ng konti,ayun parang alam ko na Kaku pero syempre dipa ako sigurado.pero Ngayon sigurado ko siya Ang dahilan kasi halatang may alam siya tungkol sainyo ni sir.". mahaba niyang sabi. "ate Hindi NAMAN pera Ang habol ko Kay sir jr,nagmamahal lang ako ng totoo.alam ko bawal pero yun lang kasi Ang alam Kong paraan para makasama ko siya." sabi ko.niyakap ko siya ng mahigpit saka umiyak.siya namang hawak niya sa buhok ko pababa sa likod ko,hinahagod niya Ang likod ko para pakalmahin o pagaanin Ang kalooban ko. "sheyah,Hindi NAMAN ako galit SAYO at alam Kong mabuti kang tao Kaya nga Hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka noon eh.ang saakin lang,hanggat maaga pa,tapusin mo na to.kung kinakailangang umiwas ka,o magdahilan,GAWIN mo.kasi Kung Hindi.gulo talaga Ang kalalabasan lalo pat may attitude na tinatago itong si ma'am claire." sabi niya.lalo Kong hinigpitan Ang yakap ko sakanya at patuloy na umiyak. "pag isipan mo mabuti Ang mga sinabi ko.hindi magandang makalaban Ang mga mayayaman she,dahil Ang mga mayayaman,kayang kayang baliktarin Ang lahat gamit Ang salapi." saad niyang muli. Sa mga pangaral na sinabi ni ate denise ay napapaisip ako.kaya halos Hindi ako makatulog.ano nalang Ang ihaharap Kong mukha bukas lalo pat dito pala pansamantala titira iyong nobya ni sir jr.kaya ko namang umiwas,pero Ang problema paano nalang Kung si sir jr na ang mag utos saakin,paano ako makakatanggi gayung siya Ang amo namin. Niyakap ko ang unan ko,at tumagilid.tinignan ko sa kabilang deck si ate denise na mahimbing na natutulog.siguro nga ay tama siya na dapat ay lumayo na ako at itigil agad Ang inumpisahan namin dahil kahit walang kahit ano na nangyayari saamin maliban sa s*x ay talagang gulo Ang dulot nito. Paglabas ko ng kwarto namin ay napagpasyahan Kong umiwas nalang ng tuluyan.pero pagkasarang pagkasara ko palang ng pintuan ay si sir jr agad Ang bumungad.ano bang laro ito?! Kung kelan kasi iiwasan siya namang agad na bungad.dumating na pala siya.ngumiti siya saakin ng pagkatamis tamis ng makita ako,pero hindi ko man Lang ito magantihan ng ngiti.nanatili akong nakatitig sakanya habang nagsisilabasan Ang mga sunod sunod na tanong sa utak ko. magkatabi ba silang natulog?may nangyari ba sakanila?siguro oo.kasi sa tagal na nasa abroad ni ma'am claire malamang sa malamang ay sabik na sabik sila sa isat Isa. Bigla akong nalungkot sa mga pumasok sa isip ko nang biglang may humawak ng braso ko.napaigtad ako sa gulat at napahawak sa dibdib. "are you okay?" tanong saakin ni sir jr.mabilis akong umiwas sakanya at bahagyang umatras.takot ko Lang na makita kami ni ma'am claire,pero pag tingin ko sa gilid ay mukhang parang papatay na magandang babae Ang sumalubong saakin mula sa likuran ni sir jr.its ma'am claire.at galit na galit Ang mukha na nakatingin saaming gawi,or should I say,saakin. "ah,opo.ayos lang po ako.pupunta na po ako ng kusina." aalis na ako nang hawakan niya Ang kamay ko. "can we talk?in private?" sabi ni sir jr. Kita Kong papalapit na sa gawi namin Ang nobya ni sir jr Kaya agad Kong inalis Ang kamay ko na hawak hawak niya.Nagtataka man si sir jr sa inaakto ko ay kunot noo lang Ang tangi niyang nagawa. "tungkol Saan po sir." sabi ko.na patuloy sa pag atras dahil may papalapit na galit na galit na aura saamin. "Diba sinabi ko na SAYO na stop calling me sir,nag Usap na tayo sheyah about dyan." sabi ni sir jr at akmang lalapitan ako pero pinigil ni ma'am claire.niyakap niya ito sa bewang buhat sa kanyang likuran at humalik sa gilid ng leeg ni sir.napayuko ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso sa nakita ko. "bakit NAMAN Hindi ka niya tatawaging sir eh IKAW Ang amo niya.katulong siya,tama lang na tawagin ka nila ng may pag galang.tawagin ka nila sa pangalan mo Kung wala silang respeto o MODO!?" sabi ni ma'am claire na may diin Ang salitang modo sabay tingin saakin. "sheyah is different claire,Hindi siya Basta lang katulong dito." sabi ni sir jr at inalis Ang pagkakayakap sakanya ni ma'am claire,lalong naging galit Ang mukha nito dahil sa sinabi ni sir jr kasabay pa ng pag ali's ng yakap niya.binalingan ako nito ng nakakamatay na tingin Kaya natakot ako. "mauna na po ako sainyo ma'am sir." paalam ko kaagad at patakbong umalis sa harap nilang dalawa.Narinig ko pang tila nagalit si sir jr,dahil bahagyang nagtaas ito ng boses Kay ma'am claire,pero Hindi na ako lumingon pa sa gawi nila.tama si ate denise,gulo Ang dulot ng pinasok ko.alam ko masakit pero kailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD