Sa limang araw na successful Kong pag iwas Kay sir Jr ay siya namang laging mainit Ang ulo nito.Hindi ko alam Kung ako ba Ang dahilan o talagang may problema lang siya.Sa tuwing tatangkain niyang lumapit saakin ay ako naman itong agad na nag di disappeared.
CLAIRE:
" so ano Ang balak mo!?hihiwalayan moko ganun!?" sigaw ni ma'am Claire na nagpalaki sa mga Mata namin dahil kahit nasa kusina kami ay dinig na dinig namin Ito dahil sa lakas ng Bose's niya.
"how dare you Jr! umuwi ako dito para makasama ka tapos ganito Ang gusto mong mangyari!?" gusto man naming maki usyuso ay nagbingi bingihan nalang kami para iwas sa gulo at Hindi madawit sakanila pero sadyang napakalakas ng Bose's nito.
"matagal ko ng sinabi sayo na wag ka nang umuwi dito,dahil noon palang sinabi ko na SAYO na gusto ko ng space Claire." sagot ni sir Jr.
*PAK!* halos mapamura si ate Denise at sila manang Susan ng marinig Ang napakalakas na sampal na iyon.
"ay jusmeyo ka!" halos bulalas ni ate denise.kinakabahan na sila at gusto na halos nilang umawat pero ako ay nananatiling nakatayo sa pwesto ko,dahil kahit saang anggulo tignan mukhang kasama ako sa dahilan Kung bakit sila Ngayon nag aaway.pero itong si manang Susan ay Hindi na nakatiis at nagtungo sa gawi nila,Mahal na Mahal Kasi niya si sir jr.parang anak na niya ito Kung ituring.
"you old woman!wag Kang nakikialam dito,Hindi ka nanay ni Jr para makisawsaw sa usapan namin, you're just a maid here!" sigaw muli ni ma'am claire.sobra na siya sa sobra,dahil kahit Sino masasaktan kapag sinabihan ng ganun.
Nakasilip sila ate Denise at Iba Kaya napasilip narin ako,Kita ko Kung paano napaiyak si manang dahil sa binitawang salita ni ma'am Claire sakanya,habang si sir jr naman ay biglang hinawakan ng pagkahigpit higpit sa braso itong si ma'am Claire dahil sa sinabi niya Kay manang.
" watch your mouth Claire! nasa pamamahay Kita,at Wala Kang karapatang pag salitaan Ang kahit na sino man dito!" bulyaw niya dito,nakaramdam naman ng takot si ma'am Claire dahil sa pagsigaw ni sir Jr sakanya dahil kitang Kita sa mukha niya na bigla itong namutla.
"nasasaktan ako Jr!bitiwan moko,aray!" Sabi niya na pilit inaalis Ang hawak na kamay ni sir Jr.
"manang pasensya na po kayo,ako na po bahala dito.salamat po sa malasakit." balin ni Jr Kay manang Susan na patuloy sa pag iyak. " sumama ka sakin at mag uusap tayo ng tayo lang!". balin niyang muli Kay ma'am Claire sabay Hila dito ng marahas.kung babase lang sa pag Hila niya ay para na niya itong kinakaladkad.
Bago sila tuluyang nawala sa paningin namin ay nag iwan pa ng matalim na tingin sa gawi namin itong si ma'am Claire,lalo na saakin.bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil pumasok sa isip ko na nasira ko Ang relasyon nila dahil saakin,kahit pa Hindi ako sigurado Kung ako ba talaga,at takot dahil naalala ko Ang sinabi ni ate Denise na mahirap kalaban Ang mayayaman.
Natapos Ang buong araw na iyon na balot sa katahimikan Ang buong bahay dahil sa nangyari,dahil simula kaninang umaga ng hilain ni sir Jr si ma'am Claire at sinakay ng sapilitan sa kotse niya ay Wala na kaming alam pagkatapos,si manang Susan naman ay Hindi na lumabas ng silid simula kanina.Dinamdam ng husto Ang sinabi ni ma'am Claire sakanya,habang Ang Iba naman ay patuloy sa pag iisip Kung bakit biglang nag away Ang dalawa.ako ay nananatiling tahimik,tumabi saakin si ate Denise at pasimple akong siniko sa tagiliran.
"wag Kang nag iisip ng Kung ano ano dyan ha?" bulong niya saakin.malakas talagang makaramdam Ang babaeng ito.
"Hindi ko maiwasan,alam naman nateng dalawa na paniguradong sangkot ako sa gulong iyon." sagot ko.
"nandun na Yun,pero kasalanan ba nateng matabil Ang bunganga ng babaeng iyon?Hindi NAMAN Diba,dapat lang na hiwalayan na ni sir Jr iyon para magtanda.maganda nga,saksakan naman ng panget Ang ugali." pairap na Sabi ni ate Denise.
"Paano Kung balikan niya ako?pano Kung maghigante saakin iyon si ma'am Claire?" nag aalala akong napatingin Kay ate Denise.
"nandyan naman si sir Jr,hindi ka nun pababayaan,Isa pa umiwas ka naman na ah Kaya problema na niya yun.kita na nga niyang mainit ulo ni sir Jr nitong mga nakaraang araw tapos sinasabayan pa niya,buti nga sakanya Kung hiwalayan man siya ni sir.sana palayasin narin siya dito." Sabi ni ate Denise,nakurot ko tuloy siya sa tagiliran dahil sa sinabi niyang iyon pero pinanlakihan lang niya ako ng mga Mata.
Mag eleven na ng Gabi pero walang ma'am Claire at sir Jr Ang nagpakita sa loob ng bahay.tulog narin Ang lahat at ako nalang ata Ang nag iisang gising.kahit anong pilit ko ay Hindi talaga ako makatulog dahil sa samut saring katanungan at pag iisip Ang pumapasok sa utak ko.
Lumabas ako ng silid namin ni at Denise at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas baka sakaling makatulog ako saka bumalik sa higaan.
Nagdaan Ang dalawang araw na Hindi parin nagpapakita Ang dalawa.gusto ko naring magtanong kina ate Monique at manang Susan Kung tumawag naba si sir Jr pero nagpipigil ako.nag aalala na kasi ako sakanya,Kung ano na Ang lagay niya o nilang dalawa ni ma'am claire.kung nagkaayos ba sila o tuluyan silang naghiwalay?Kung Saan sila nagpalipas ng Gabi,Kung magkatabi ba silang natulog o ano? sa Dami ng pumapasok sa isip ko ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo,kulang na nga ako sa tulog kakaisip ay heto nanaman ako at nag iisip nanaman Kaya Ang resulta ay parang binibiyak Ang ulo ko sa sakit.
Uminom ako ng bioflu agad agad para makaiwas sa sakit.lumapit saakin si ate Denise.
"masama ba pakiramdam mo?" tanong saakin nito.
"masakit lang Ang ulo." tipid Kong sagot.
"naku,Hindi NAMAN bioflu Ang gamot dyan eh." Sabi niya sabay angat ng Isang banig ng bioflu na binawasan ko ng Isa. "Yung gamot niyang sakit ng ulo mo eh Wala dito Kaya parang sumasabog Yan Diba." pahabol pa niya.
"ate talaga." Sabi ko.
"miss mo?" tanong niya saakin na may halong panunukso.
"ate......!" saway ko sakanya.
"kunwari pa to." sabay siko saakin
"kumusta na Kaya sila ate? bakit hindi parin sila umuuwi." Hindi na ako nakapagpigil at nagtanong na nga.
"hahaha Sabi na eh,.ayun baka nag hotel na at okay na sila tapos ayun, nag loving loving after mag away ng bonggang bongga hahaha." pang iinis pa niya saakin kasabay ng malakas na tawa.napabusangot ako dahil sa sinabi niya Kaya inirapan ko ito.
"charr lang haha,oh ayang nguso mo nanaman hahaha.kunwari kapang silang dalawa Ang iniisip mo at may pa SILA SILA kapa dyan,bat dimu nalang sabihin na kumusta na si sir Jr Diba haha." mabilis Kong tinakpan ng kamay ko Ang bibig niya dahil sa lakas ng Bose's niya.
"ano ba she! Ang baho ng kamay mo! naghiwa ka ng sibuyas tapos ipan tatapal mo sa bunganga ko,!my goodness!" Sabi niyang maarte sabay punas sa bibig.natawa naman ako ng mahina,dahil oo amoy sibuyas nga Ang kamay ko.
"ingay mo kasi eh." sbi Kong natatawa.
"tsk! ayun wag mo ng isipin si sir,Kasi tumawag na siya kanina at nasa condo niya siya nag e stay,at pinapasabi niya Kay manang na kalimutan na niya iyong nangyari na siya na Ang humihingi ng dispensa.at Kung itatanong mo Rin iyong si ma'am Claire,ay Ang Sabi ni sir ay wag ng mag alala dahil Hindi na siya babalik dito sa bahay pa."
"anong ibig mong sabihin ate na Hindi na babalik?" tanong ko dahil medyo naguluhan ako.
"tuktukan Kita eh,Hindi na babalik dahil pinaalis na ni sir.pinauwi na,ganern. buti nga sa witch na Yun." sagot ni ate denise.bigla akong natuwa,hiwalay na Kaya silang talaga?pero bakit Hindi parin umuuwi si sir Jr dito,nagdadamdam ba siya dahil Wala na si ma'am Claire?