"Goodmorning!" Nakangiting bati niya sa akin. Tapos na rin pala siyang maligo at naka-bathrobe na siya habang nagkakape. Mukhang maganda ang mood niya ngayon. Wag lang sanang sumpungin ng topak. "Goodmorning din, himalang maaga ka yatang nagising at naligo aalis ka na ba agad?" Tanong ko sa kanya sabay dampot ng tuwalya ko. "Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Maaga akong bumangon nakapag-jogging na nga ako sa labas." Sagot niya sabay ngiti ulit. Weird? "Oh really? Bakit hindi mo ako ginising? Para makasabay sa’yo magjogging?" "Kailangan mong ipahinga ang sugat mo Xane. Kaya isang linggo kang hindi pwedeng makipagaway. Please lang wag mo ng dagdagan ang problema natin.” Seryosong saad niya na inina-inis ko. "Haist! Oo na tatay." Irap ko sa kanya sabay pasok ko sa banyo. Isasarad