Alixane POV Napabuntong hininga na lamang ako nang lumabas si Brian. Alam ko galit siya sa akin. Hindi ko siya masisisi, inaamin ko namang kasalanan ko. Nagkamali ako, dapat sinabi ko sa kanya dahil parte pa rin yun ng aming misyon. “Paps, galit ka din ba sa akin?” Nakangusong tanong ko sa kanya. “Xane, sinabi ko naman sa’yo diba? Wag mong kalimutan may partner ka. Kahit ano pa man ang mangyari dapat alam niya ang lahat. Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong niya. “Sorry Paps, hindi na po mauulit.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang balikat ko kaya napangat ako ng tingin kay Paps. “Sa kanya ka magsorry, nakita ko kung paano siya mag-alala sayo Xane. “Yes Paps. I’m sorry talaga. Nag-alala lang din ako para sa mga kababihan na gagawan nila ng masama.” Hin