Alixane POV Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Nathan. Hangang makarating kami sa kabilang building na may dalawang palapag. Umakyat kami sa matarik na hagdan at tumigil na si Nathan sa paglalakad. "Dito na tayo." Sambit niya. "Anong room to?" Tanong ko sa kanya na may pag-aalangan na pumasok. "Nasa BA building tayo Alex. Nakalimutan ko palang sabihin sayo na BA students din ako at parehas tayo ng section." Paliwanag niya. "So you mean magkaklase tayo?" "Yup!" Nakangiti niyang sabi. Inaya na rin niya ako sa loob. Sa likurang bahagi kami ng pinto pumasok ni Nathan kaya yung ibang magiging kaklase ko ay hindi napansin ang pagpasok naming dalawa. Pero kitang-kita ko ang ibang mga mata na matatalim ang tingin sa akin. "Dito ka maupo Alex." Turo ni Nathan sa tabi niya. Sa isang classroom