Isang napakahigpit na yakap ang iginawad ni Green sa kanyang mga magulang. Nag- iyakan pa nga sila lalo na nang humingi si Green nang tawad sa kanyang Itay. Alam niyang marami pa itong pangarap para sa kanya subalit hindi na iyon makakamit pa kasi biglaan siyang nag- asawa ni hindi nga ito nakadalo kasi nga madalian. Naipaliwanag naman na ni Aling Gina kay Mang Teddy ang buong katotohanan kung kaya't kahit hindi na magkwento pa si Green, naiintindihan naman na ng kanyang Tatay. " 'Tay, sorry po talaga sa maling nagawa ko, I'm sorry po!" umiiyak pa ding wika ni Green. Muling niyakap ni Mang Teddy ang kanyang anak at hinaplos - haplos nito ang likod bilang pang- aalo nito. "Ssshhh...tahan na anak. Walang may gusto sa nangyari, tadhana ang siyang nakialam. Naiintindihan kita anak, sana na