Pauwi na sana sina Green nang may biglang humarang sa kanilang daraanan. Napahinto ang mga ito at kinilala nila kung sino iyon. "Leonard!" Bulalas ni Green. Paawa effect ang hitsura ni Leonard lalo na nang tumitig ito kay Green. "Please, can we talk?" mahina ang boses nito na para bang nawalan nang enerhiya. Napakurap-kurap naman si Green at pumormal ang mukha niya. "Sorry pero wala na tayong dapat pag- usapan pa!" matigas niyang sabi at saka nagsimula nang maglakad pero humarang pa din si Leonard. "Please, kahit sandali lang!" pakiusap pa din ni Leonard. Napabuntonghininga si Green at diretso itong tumitig sa mga mata ni Leonard. "Look, tapos na tayong dalawa. May kanya-kanya na tayong buhay, sa panloloko niyo nga sa akin ni Athena sa araw na iyon tapos na tayo eh! Kuha mo ba?" an