Agad na nakagamayan ni Green ang kanyang mga gawain sa Mansiyon ni Hunter. Kung kaya't nagpasya itong uuwi muna ng probinsya upang dalawin ang kanyang Tatay at siyempre ang kanyang boyfriend. Pero hindi na sinabi pa ni Green sa Nanay nito, ang sinabi niya lang ay dadalawin nito ang kanyang Tatay at kaarawan ng bestfriend niya. Agad namang pumayag si Aling Gina sa gustong gawin ng kanyang anak lalo pa't may tiwala naman siya rito. Pero siyempre kailangan din nilang magpaalam sa kanilang amo.
"Five days lang ang maibibigay kong bakasyon mo, bago ka pa lang." Sabi ni Hunter na hindi tumitingin kay Green at sa Nanay nito.
"Salamat po!" kiming sagot ni Green.
Tango lang ang siyang isinagot ni Hunter. Nakahinga naman nang maluwag si Green dahil halos pigilan na nito ang kanyang hininga habang kaharap ang kanilang amo.
"Narinig mo ang sinabi ni Senyorito, dapat hindi ka lumagpas."
"Oho nga po!" sagot ng dalaga sabay sukbit sa kanyang likod ang backpack nito.
"Ikumusta mo na lang ako sa Tatay mo, mag-ingat ka sa biyahe mo." Bilin ni Aling Gina sa anak.
"Salamat po!" maikling sagot ng dalaga at hinalikan na nito ang pisngi ng kanyang Ina.
Masayang lumabas ng Mansiyon si Green saka pumara ng taxi. Magpapahatid ito sa terminal ng bus papuntang probinsya. Umaga iyon kung kaya't gabi na kapag makakarating siya sa kanilang bayan. Magkahalong excitement at saya ang nararamdaman ni Green habang nasa biyahe ito.
Nakatulog naman si Green kahit papaano sa biyahe nito dahil pagkagising niya ay nasa bayan na siya ng kanilang lugar. Sasakay na lamang ito ng tricycle upang makarating siya sa kanilang baryo. Mabibilis ang mga kilos ng dalaga na sumakay sa tricycle at sabik na siyang makita ang kanyang Tatay.
" 'Tay, yahoooo!" sigaw ni Green pagkababa nito ng tricycle.
Agad na sumungaw ang ulo ng kanyang Tatay sa bintana ng kanilang bahay pati na ang Tiyahin ng dalaga.
"Aba, si Tarah!" bulalas ng Tiyahin nito.
Patakbong pumasok ng bahay ang dalaga at agad na niyakap ang kanyang Ama.
"Na- miss kita, Tatay!"
"Miss na rin kita anak, mabuti at pinayagan ka ng mga Whitlock kailan ka lang doon eh!" masayang sagot ng matanda.
"Limang araw lang ho ang ibinigay sa akin ni Senyorito Hunter. Kumusta po Itay?" nagniningning ang mga mata ng dalaga habang kausap ang ama nito.
"Aba, okay lang ako anak! Kumusta naman kayo ng Nanay mo roon? May kapalit na ba siya bago magbitiw sa mga Whitlock?" masayang turan ni Mang Teddy.
"Okay lang din po kami, ewan ko po kay Nanay!" mabilis na wika ng dalaga.
Marami pa silang pinag-usapang mag- ama hanggang sa nagpasya na silang matulog at malalim na ang gabi. Bukas din papasyal si Green sa kanyang bestfriend at sa nobyo nito. Natulog ang dalaga na may ngiti sa mga labi nito.
Kinabukasan. Maagang gumayak si Green upang mabisita ang kanyang kaibigan at iniirog. Nagpaalam din ito sa kanyang Tatay na pinayagan naman ang dalaga. Unang nagpunta si Green sa bahay ng bestfriend niya, si Athena.
"Aba, hindi umuwi si Athena kagabi Tarah! Nag- aalala na nga ako eh!" sabi naman ng ina ni Athena.
Hindi nakaimik si Green. Kahapon oa cannot be reach ang phone ng kaibigan nito maging si Leonard ang kanyang nobyo.
"Sige po, babalik na lang ako bukas! Pakisabi po, hinanap ko siya." Wika ng dalaga.
"Makakarating hija!" sagot ng Ina ni Athena.
Nagpaalam na rin si Green kinalunan at binagtas niya ang daan papunta sa bahay nina Leonard. Alam ng dalaga na magagalak ang kanyang nobyo sa surprised niyang pagdalaw. Kumatok si Green pagtapat nito sa bahay nina Leonard. Walang nagbukas agad sa pinto kung kaya't sunod-sunod ang ginawang katok ni Green. Pagkabukas ng pinto ay gulat na gulat si Green sa nakitang nagbukas no'n.
"Athena!" bulalas ng dalaga.
"G- Green!" nautal namang bigkas ni Athena.
Pinagmamasdan ni Green si Athena mula ulo hanggang paa. Suot nito ang jersey na damit ni Leonard which is regalo niya iyon noong last date nilang dalawa.
"Sino ang bisita natin love?" mula sa loob ay narinig ni Green ang boses ni Leonard.
Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Green, dahil love din ang tawagan nilang dalawa ng binata. Dahil sa hindi makasagot si Athena ay lumapit si Leonard upang magulat din.
"G- Green, love!" sabi ni Leonard at tinangka nitong hawakan ang dalaga.
"Huwag mo akong hawakan! Nakakadiri kayo, mga manloloko! Kailan niyo pa ako niloloko ha? Matagal na ba?" galit na wika ni Green nang makabawi ito sa kabiglaan.
"Beshie, it's not what you think?" paliwanag ni Athena.
"Ah, talaga ba? At anong ginawa niyong dalawa sa loob, naglaro ng hide and seek?" Nangungutyang wika ni Green.
"Love nagpapaliwanag kami ni Athena, please makinig ka sa amin!" pagsusumamo naman ni Leonard.
"At ano pang ipapaliwanag niyong dalawa sa akin? Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakikita ko, hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bobo!" singhal ni Green.
"Please!" si Leonard pa rin.
Umiling si Green at umatras.
"You're not worth it, kayong dalawa! You wasted my time, my effort and my love! Huh...nakakatawa and I can't believe it! I guess, this is the last time we see each other. Don't try to chase me, pagbutihin niyong dalawa itong ginawa niyo sa akin." Nagngangalaiting sabi ni Green sa dalawa sabay duro pa at tumalikod na ito.
"Green!" tawag naman ni Leonard at akmang hahabulin niya sana ito subalit pinigilan ni Athena ang binata.
"Hayaan muna natin siya, Nard. Galit iyon, hindi niya tayo pakikinggan at kakausapin." Malungkot na sabi ni Athena.
Leonard sigh, at hinabol na lamang niya ng tanaw ang papalayong si Green. Diretso uwi ang ginawa ni Green pagkatapos nitong umalis sa lugar kung saan nagkapira-piraso ang puso niya.
"Kumusta ang lakad mo anak?" tanong ni Mang Teddy nang makita ang dalaga.
Pinilit ikubli ni Green ang sakit nitong nararamdaman at tinapangan nito ang sarili sa harapan ng kanyang ama.
"Hindi ko sila naabutan Tatay may pinuntahan daw ang dalawa!" masaya kunwari na sagot ni Green.
"Palagi raw kasing magkasama ang dalawang iyon. Wala namang malisya dahil bestfriend mo naman si Athena at boyfriend mo si Leonard hindi ba?"
"Oo naman Tatay! Wala sa akin iyon, tiwalang- tiwala ako sa dalawang iyon grabe!" napapalatak pang bigkas ng dalaga.
"Okay ka lang ba anak?" nag- aalalang tanong ni Mang Teddy.
"Oo naman po! Saka, babalik din po ako mamayang tanghali sa Manila. Pinatawagan po ako ni Senyorito Hunter!" pagsisinungaling ni Green.
"Ha?! Akala ko ba limang araw?" gulat na bulalas ng Ama ni Green.
"Emergency po raw kasi at kailangan ako roon!" muling pagsisinungaling ng dalaga.
Biglang nalungkot si Mang Teddy .
"Ano pa nga bang magagawa ko!"
"Huwag po kayong malungkot, babawi po ako sa susunod promise!" alo ni Green sa ama.
Ngumiti si Mang Teddy at niyakap ang kanyang anak. Mahigpit ding niyakap ni Green ang kanyang ama. Muling inayos ni Green ang mga damit nito at nagpasyang bumalik na agad sa Manila. Kahit na gusto pa sana nitong makasama ang kanyang ama. Kailangan upang hindi malaman ng kanyang pamilya ang ginawang pagtataksil ng dalawang taong mahalaga sa kanya. Baka kapag nagtagal siya sa probinsya ay maisip siyang masamang gawin sa dalawang manlolokong kanyang pinagkatiwalaan. Mas maigi nang siya lang ang makakaalam at wala ng iba pa. Ilang oras lang at sakay na naman ng bus si Green pabalik sa bahay ng amo nito. Hindi na rin ipinaalam ng dalaga sa kanyang Nanay ang agaran nitong pag- uwi. Para malaya siyang gawin muna ang pamapalubag loob niya sa sakit na kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Subalit bago tulyang makabalik si Green sa Mansiyon ay nagpasya itong mag-inom for the first time.
Tinapangan ng dalaga ang kanyang sarili na uminom sa isang bar. Kahit pa may dala-dala itong backpack sa likod. Agad na tinawag ang waiter at nag- order ng kanyang inumin. Wala siyang ideya sa mga alak dahil hindi pa ito nakakatikim subalit narinig na niya ang ilang pangalan ng brand. Kaya iyon ang sinabi nito sa waiter na kanyang tinawag.
Sa kabilang banda, naroon din sa nasabing bar si Hunter kasama sina Jacob at Ybrahim. Sinamahan nila ang binata dahil ito ang nagyaya sa dalawa. Lango na rin sa alak si Hunter dahil kaninang hapon pa ang mga ito sa bar.
"Hindi na ba tayo matatapos sa paglaklak ng alak?" nakangising tanong ni Ybrahim.
Ngumisi naman si Hunter na namumungay na ang mga mata nito.
"Bakit, sumusuko ka na bang hangal ka?"
Natawa naman si Jacob dahil alam nitong lasing na si Hunter. Nagiging madaldal ito kapag nakalagok ng alak, lumalabas ang pagka- taklesa ng binata kapag nasa espirito ng alak.
"Ikaw eh, heartbroken ka lang naglalasing ka na." Sabi naman ni Jacob.
Naibagsak ni Hunter ang hawaj nitong baso sa ibabaw ng mesa at lumikha ng ingay.
"Hey, easy bro! Take note, mainit ang mga mata ng media sa mga katulad natin!" awat ni Jacob.
"The hell I care!" singhal ni Hunter na galit.
"Bro, calm down! Maraming babae riyan, you can have a lots you know that!" wika naman ni Ybrahim.
"Ofcourse! Sino ba si Joyce sa akala niya? Ayoko sa salawahan at manloloko, tama ka maraming babae riyan! At mag- uuwi ako ng isa mamaya!"
Nag- apir naman sina Ybrahim at Jacob. Akala nila kasi magwawala si Hunter sa bar, malaking eskandalo kapag nangyari iyon. Tiyak pagpipiyestahan ang binata kinaumagahan.
"Hindi mo dala ang car mo?" tanong ni Jacob kay Hunter kapagkuwan.
"No! Basta dinala na lang ako ng aking mga paa rito!"
"Ihahatid ka na namin!" wika naman ni Ybrahim.
"No, no, no! You know me, ayokong nagpapahatid as long as I can manage!" tanggi ni Hunter.
Nagkatinginan ang dalawang binata, which is ugali talaga ni Hunter iyon. At walang sinumang makakabago noon basta sinabi ng binata.
"Ikukuha ka na lang namin ng cab?" tanong ni Jacob.
"Much better amigo!" nakangising sagot ni Hunter sabay hampas kay Jacob.
Napangiwi na lamang ang binata dahil sa lakas ng hataw ni Hunter sa kanyang isang braso. Isang batok naman ang natikman ni Ybrahim mula kay Hunter. Napailing-iling na lamang ang dalawa saka sila napakamot sa sarili nilang mga batok. Ilang sandali pa at kumuha na ang dalawa ng taxi upang masakyan ni Hunter. Ibinilin na lamang ng dalawa ang kanilang kaibigan sa driver at binigyan ng tip. Nagkatinginan pa sina Jacob at Ybrahim nang mapansing may isang babaeng nakayukyok sa loob ng taxi kung saan umupo si Hunter. Kapagkuwan ay nagkibit-balikat ang dalawa saka nagpasyang umuwi na rin ang mga ito.