Pagkatapos ng class niya ay nagpasya na muna siyang mamasyal sa malapit na Mall. Isang subject lang kapag araw ng huwebes kaya para hindi siya mabore ay pupunta na lamang siya at tatambay sa Mall.Recently ay palagi siyang matamblay. Hindi naman siya dating ganito pero ito ang pagbabagong nararamdaman niya sa kan'yang katawan lalo na't simula nang umalis si Franko. Nang dumating sa Mall ay naglakad lakad na lang muna siya. Wala naman siyang dalang malaking pera kaya okay na sa kan'ya ang tumingin tingin na lamang sa loob. Dumako siya sa isang puro stuff toys ang tinda. Kapag may trabaho na siya ay balak niyang bumili ng malalaking stuff toys. Nang mabusog ang kan'yang mga mata sa magagandang stuffed toys ay pumasok siya sa mga kitchen wares. Balang araw kapag magkakapamilya na siya n