Chapter 10-Seriously? Hindi na niya namalayan kung ilang minuto silang bumiyahe ni Franko basta't ang alam niya ay malayo na sila sa bayan at habang nasa daan sila ay puro malalaking puno at damuhan ang napapalibot sa kanila. Hanggang sa nakarating sila sa isang napakahabang tulay na yari lamang sa kahoy at nang nakita niyang inabante ni Franko ang motorsiklo nito ay malakas siyang napatili. "Franko! Ano ba 'tong ginagawa mo? Pwede ba bumalik na tayo? Papatayin mo ba' ko?" sigaw niya sa binata ngunit nanatili paring nakakapit sa baywang nito. Bumaba ang tingin niya pababa ng tulay. One thing she is afraid of is heights! "Just hold tight!" wika nito at pinahabas ang motorsiklo patungo sa kabila. Pikit mata siyang nagdasal habang nararamdaman ang paggalaw ng tulay habang dumadaan sila.