"Mama.... Mama nandito po si Tito Franz!" malakas na sigaw ni Craig na may hawak na namang bagong laruan sa kamay. Kasalukuyan siyang naglalaba ng mga damit nila sa maliit na sapa malapit lamang sa bahay nila. "Sabihin mo sandali lang si Mama, nagbabanlaw na.." wika niya sa anak at nagmamadali nang ibanlaw ang mga damit na tapos na niyang sabunin. Isang linggo na ang dumaan simula nang ihatid sila ni Francis sa bahay niya galing sa ospital. Hindi nga niya inaasahan na dadalawin sila ng binata, sa totoo lang ay hindi na siya umaasa. Pagkatapos niyang magbanlaw ay nagtungo na muna siya sa likod bahay upang magsampay ng mga gamit. Pumasok na rin siya sa banyo nila at naligo. Nakatuwalya lamang siya nang lumabas sa banyo at dali dali siyang pumasok sa loob ng kwarto nila at nagbihis.Di