After five years " Mga anak kiss n'yo na si mama, aalis na ako!" sambit niya sa kambal niyang anak sina Cara at Craig. Isang lalake at isang babae ang naging anak nila ni Franko Geller. Akala niya ay matatanggap siya ng kan'yang mga magulang ngunit nagalit ang mga ito at pinalayas siya sa bahay nila kaya lumipat siya sa probinsya, sa tiyuhin niya. Hindi rin naman siya nagtagal doon dahil hindi maganda ang ugali ng asawa nito kaya pagkatapos niyang isilang ang kambal ay lumipat siya ng bahay sa itaas ng bundok kung saan namuhay silang mag-iina ng payapa. Naging kabuhayan niya ang paglako ng mga gulay na siya mismo ang nagtanim kaya naman kahit paano'y nakakakain silang tatlo kahit hindi gaanong masarap ang ulam nila. Nag-iipon na rin siya para sa kan'yang transcript na kukunin niya sa