HINDI pa natutulog ang aking kapitan. Hindi rin ako makatulog kakaisip sa sinabi niya kanina kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Pinagtimpla ko siya ng gatas at kakatok na sana ng pintuan nang mapatalon ako sa gulat dahil bigla itong bumukas. "Nasobraan na ata ako ng kape," ani ko at napahawak sa dibdib ko. Buti na lang hindi natapon ang gatas. Tiningnan ako ni Genesis sa repleksyon ko sa salamin na nasa tapat niya bago inikot ang kanyang swivel chair. Sumira naman nang kusa ang pinto. "Akala ko talaga may multo kang kasa kasama dito sa bahay mo." Ani ko sa kanya at nilapag ang gatas sa giliran ng mesa niya. Umupo ako sa sofa at tumalon talon pa sa lambot nito. Juliet, marami nito sa Roma. Ani ko sa sarili ko. Malay ko ba! Sa tuwing nasa malapit ang kapitan ko nawawala ako sa sar