Distillirie Residence and Mansion Bonifacio, Taguig Dalawang araw ang nakalipas, dinagsa ng aplikante ang mansyon ng mga Distilirie sa pribadong subdivision ng Bonifacio sa Taguig. Ang mga bibisita ay kailangang dumaan sa istriktong protocol ng guwardiya bago makapasok. Halos kalahati kasi ng subdivision ay pagmamay-ari ng mga Distillirie at ang mismong guwardiya sa bungad ng subdivision ay siyang pinagkakatiwalaan din ng mag-asawang Vino at Rein Distillirie. Nang tawagan ni Rein si Mang Jose sa guard post nito at ipaalam na maging handa sa mga aplikanteng gustong maging yaya ng kanilang kambal, hindi niya inasahan na dadagsain ito. Kahapon lamang siya nakatanggap ng tawag mula sa Distillirie Mansion, kaya gulat na gulat si Mang Jose nang kinaumagahan, pagkagising na pagkagising niya,