Distilirie Residence and Mansion Bonifacio, Taguig Unang araw ni Vino na kasama ang kaniyang mga anak at hindi niya nga pinalampas na makipaglaro at makipagkulitan sa mga ito. Maging ang mga inihain na pagkain ng asawang si Rein ay takam na takam siyang kumain. Tanghaling tapat na at kasalukuyan siyang nanonood kasama ang kambal sa sala ng paborito nitong pambatang palabas nang makaramdam ng gutom ang mga ito. "Dad, aren't we going to eat?" tanong ni Reign sa kaniya. "Yeah, Dad. Me, too. I'm hungry. Where is mom?" segunda naman ng bunso niyang si Vin. "Don't worry, children. I'll go make somethingg for both of you. Busy lang siguro sa paglilinis ng mga kuwarto sa taas ang mommy ninyo. Dito lang kayo ha?" sagot niya at tumango naman ang kambal. Ibinalik ng dalawa ang panonood sa kani