Vino Distillirie Office Distillirie Empire Building Matuling lumipas ang mga araw at gaya nang napagkasunduan, parehong nasusunod nina Jepoy at Vino ang mga rules nila sa isa't isa. Parehong tutok ang dalawa sa trabaho. Sa tulong at guidance na rin ni Vino ay madaling natutunan ni Jeph Leonhart ang basic things about the wine company. Kapag nahihirapan si Jepoy ay agad naman siyang nagtatanong kay Vino. Pero sinisiguro niyang wala itong ginagawa o hindi busy sa kaniyang table bago siya magtanong. Sa bawat araw na nagdaan ay naroon ang mahigpit na pagpipigil ng dalawa sa kani-kanilang mga damdamin. Kahit pa sa iisang kama lamang sila natutulog ay walang nangyayari sa kanilang dalawa. Mas maaga lamang nagigising si Jepoy upang ipaghanda ng breakfast ang kaniyang amo habang si Vino naman a