Camp John Hay, Baguio Ikatlong araw na sa Baguio. Sa pangatlong araw ay muling nagising nang maaga si Rowena upang puntahan at tingnan ang mga trabahador niya sa kanilang sakahan. Maliban kasi sa mga gulay ay mayroon din silang tanim ng strawberry. Kaya gusto niyang makita ito habang mahamog pa. Masarap din kasing maglakad pababa ng kanilang tahanan patungo sa kaniyang lupain. Para kay Rowena ay masasabi niyang isa na iyong farm na kailangan niyang palaguin dahil doon kumukuha ang kaniyang magulang ng kanilang pang-araw-araw a pangangailangan. Isang kulay abuhing jacket na may hoodie at makapal ding jogging pants ang suot niya. Kasama na rin ang itim na boots na matagal nang pinangangalagaan niya. Kasya pa rin naman sa kaniya kaya walang pag-aalinlangan niya itong sinuot patungo sa kaniy