Chapter 32: Pagseselos Na Wala sa Lugar

2015 Words

Distillirie Residence and Mansion "Magandang umaga po, sir Vino," bati ni Mang Jose kay Vino nang bumusina ang sasakyan nito at pinagbuksan siya. "Magandang araw din po, Mang Jose. Kumusta po kayo?" ganting bati naman ni Vino habang binabagalan ang pagpapapasok ng sasakyan at nahagip ang isang mukhang kumakaway, nakalabas pa ang ulo mula sa guard post. "Good morning, sir Vino!" binati siya nito na ipinagtaka naman niya. Agad naman itong nakita ni Mang Jose at sinaway ang dalaga. "Lumina! Ang aga-aga mong mang-istorbo sa amo mo," saway sa kaniya ni Mang Jose. Lihim namang napangiti si Vino sa nakikita. Siya na marahil ang bagong nanny ng mga bata. "Tay, binati ko lang naman po si sir Vino at isa pa, hindi ko pa siya nakikita nang personal. Ang guwapo pala niya kagaya ninyo," pabiro ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD