"MOMMY, saan po ba tayo pupunta?" Inosenteng tanong ng labing dalawang taong gulang na si Corey sa inang si Christy. Sandali lamang itong tumingin at muli itinutok ang mata sa kalsada. "Far, anak. Far away from here." Mahina at basag ang tono na sabi nito.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Corey ang pagbagsak ng luha sa mata nito. "Mommy, bakit po kayo umiiyak?" Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagiyak. Itinigil nito ang sasakyan at doon ay humagulpos ang luha.
"Patawarin mo si Mommy anak,"
"Po?"
Ginagap nito ang palad ng anak. "K-kasi simula ngayon hindi kana magkakaroon ng buong pamilya. I-iniwan na tayo ng Daddy mo! Ipinagpalit niya tayo sa mas bata saakin. Iniwan na tayo ng Daddy mo at hindi na siya babalik kahit kailan." Nanginginig ang boses nito
Hindi man lubos na naiintindihan ni Corey ang nangyayari tila may sariling pagiisip ang mga luha at kusang bumagsak iyon sa mata. "P-po? I-iniwan na tayo ni Daddy? Akala ko po ba mahal niya tayo..."
"Ngayong ipinagpalit niya tayo sa babae niya, simula ngayon tayong dalawa na lamang anak. Mamumuhay tayo ng malayo sa probinsya na ito. Kalilimutan natin ang mapait na karanasan na ito at sisiguraduhin kong magiging ina at ama mo ako. Patawad anak,"
"Opo, Mommy. Huwag po kayo mag-alala, hindi ko gagayahin si Daddy. Hinding hindi ko po kayo iiwan."
“I love you, anak. Ikaw na lang ang natitira saakin at hindi ko makakaya kung pati ikaw mawawala pa. Sisiguraduhin ko na mapapabuti ka at magkakaroon ng magandang kinabukasan," Takot at pagkabahala ang nakalarawan sa mukha ni Christy.
"Hindi po mangyayari iyon, Mommy. I love you rin po." Nakangiting sabi ni Corey ngunit agad din iyong naglaho.
"W-why?"
"Paano po ang s-school ko? Ang mga friends ko?" Huminga ito ng malalim. "Anak, magkakaroon ka rin ng mga bagong kaibigan pagdating natin sa Maynila. At doon ka na rin magaaral. Mas maraming bata roon, marami kang magiging kaibigan." Pangaalo nito
Muling binuhay ni Christy ang makina ng sasakyan. Malayo layo na rin ang nalalakbay nila nang may mapansin ito sa hindi kalayuan. "Ano po 'yon, Mommy?"
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Nang makalapit roon, may isang kotse at tila may kumosyon na nangyayari. "Stay here anak, sandali lang ako." Paalam nito.
"Mommy, huwag niyo po ako iiwan." May takot sa boses nito.
"No, i won't leave you baby. Stay here, titignan ko lang kung ano'ng nangyayari." Bumaba ito sa sasakyan. Nakita niyang ipinagtanggol ng ina ang matandang babae mula sa mapustura at matapobreng ginang. Ilang sandali pa'y galit na umalis ang ginang sa lugar na iyon.
Lumabas ng sasakyan si Corey. "Maraming salamat ineng sa pagtulong mo saakin, napakabuti ng iyong puso." Hinawakan nito ang palad ng Ina. Marumi at gusgusin ang matandang babae. Maitim at marami rin itong kulugo sa katawan. Ngunit kakatwang walang bakas na pandidiri sa mukha ni Christy.
"Wala hong anuman iyon, 'Nay. Saan ho ba kayo at ihahatid na namin kayo." Alok nito. Ngunit umiling ang matanda. "Huwag ka nang magabala pa, sapat na saakin ang pagtulong mo." Bumalik si Christty sa sasakyan at pagbalik, dala nito ang isang supot.
"Para po sainyo 'nay. Mukhang wala pa ho kayong kain. Hindi pa ho naming nagagalaw iyan at ito hong pera kung sakaling kailanganin ninyo. Mauuna na ho kami dahil baka ho gabihin pa kami sa biyahe."
Tumango ang matanda. "Bago kayo umalis, may nais sana akong sabihin sainyo," Dumako ang tingin ng matanda kay Corey na nakatayo sa isang gilid. Nanuot ang titig nito sa kabuuan niya at lumapit sakanya. Sa tindi ng titig nito napausog ang dalagita sa takot, ngunit nahablot nito ang kamay ng bata. "Huwag kang matakot, hija. Wala akong gagawin sa’yo." Malamlam at mahinahong sabi nito
Saglit itong pumikit nang damhin ang palad ni Corey. "Malapit mo nang makilala ang lalaking para sa’yo hija. Malapit na malapit na. May tatlong senyales upang matukoy mo siya. Papabilisin niya ang t***k ng puso mo sa unang pagkikita niyo pa lamang. Ikalawa, ililigtas ka niya sa panganib. At ang ikatlong senyales... mayroon itong hugis pusong balat." Nagpatuloy ito. "Ang taong ito ay magmamahal sa'yo ng tunay higit kanino pa man at kapag pinalagpas mo ito, maaring magdusa ka habang ika'y nabubuhay." May itatanong pa sana ang ina ngunit hinila na ito ni Corey patungo sa sasakyan sa hindi maipaliwanag na dahilan.