Dalagita pa lang si Corey, alam na niya ang mga senyales ng lalaking nakalaan sakanya. Noong una’y hindi niya ito binigyang pansin. Sa pagaakalang si Paul ang lalaking para sakaniya ay naisip niyang pikutin ito sa mismong engagement party nito.
Gayon na lamang ang pagkagulat niya nang malaman kinabukasan na sa halip na si Paul, ay ang nakakatandang kapatid nitong si Johann ang napikot niya! Johann is her greatest enemy. Bata pa lamang sila ay kaaway na niya ito. Tila hindi kontento ang araw ng binata kapag hindi siya nito natutukso at naaasar. Napakahambog din nito at mayabang.
Nag-alok ito ng kasal. Sinabi nitong papanagutan nito ang nangyari sakanila. Kaya naman kinausap niya si Johann nang masinsinan at sinabi rito ang balak. Magpapakasal sila at pagkalipas ng anim na buwan ay ipapawalang bisa na nila iyon.
He obliged. Akala niya magiging madali lamang ang lahat. Ngunit nagkamali yata siya. Dahil sa paglipas ng araw, nakilala niya ang Johann na ni sa hinagap niya hindi niya aakalaing magpapabilis ng t***k ng puso niya...
STAND-ALONE NOVEL.
Designed by Racool_studio / Freepik
Book cover made by: coverymyst
coverymyst(at)sss(dot)com