The flowers and notes with Shakepeare's line continued to arrive every morning in the next couple of weeks. Sa tuwing papasok siya at dumarating sa umaga ay naroon na ang mga iyon sa ibabaw ng desk niya, as if waiting for her. Buntong hininga lang palagi ang sagot niya sa mga iyon.
Ganoon din ang pagkain tuwing lunch, naging araw-araw na ang dating. Kapag hindi siya kumakain sa canteen ay ipinapahatid iyon ni Ryu sa ibang mga istudyante sa classroom nila at kapag nasa canteen naman siya ay ipinapahatid iyon ng walang'ya sa table nila. The group would often sit near them while they were eating their lunch, at si Ryu ay parating nasa pwesto lang nito sa sulok at nakamasid nang may ngiti sa mga labi.
At first, she thought it was creepy. Pakiramdam niya ay mayroon siyang stalker. But she later kind of get used to it.
Kalaunan ay naging malapit sina Kaki at Dani sa grupo, madalas ng mga itong ka-kwentuhan ang mga iyon tuwing lunch, lalo na sina Seann, Raven at Kane.
Kane Madrigal was actually very nice. Mukha itong nakakatakot at istrikto pero kapag nakapalagayan na ng loob ay saka lang makikilala ang totoong ugali nito. He has a very distinct personality, napaka-interesting at nahahalata ni Luna na nagkaka-crush si Kaki rito. Samantalang si Dani naman ay faithful kay Ryu Donovan— na sa kabila ng puro magagandang lalaki ang lahat ng miyembro ng Alexandros ay lagi pa ring bukambibig ni Dani ang Ryu na iyon.
Tahimik na sinuri ni Luna ang dalawang kaibigan na nakikipag-usap sa grupo na nasa kabilang mesa. Nakikipag-biruan na ang mga ito at mukhang mga BFF's na. Bumuntong hininga siya saka inikot ang tingin sa ilang mga estudyanteng naroon din at ino-obserbahan sila.
Some students treat her in different ways, iyong iba ay tina-trato siyang espesyal, ang iba'y ilag sa kaniya at ang iba nama'y galit at naiinggit. She hated it but what can she do? Kahit umiwas siya ay naroon palagi ang mga ito. Minsan ay pakiramdam niya, may mga patalim sa paligid at kung hindi siya mag-iingat ay baka matumba nalang siya nang duguan.
That's how she felt being connected to the group. And she hated it. But Dani and Kaki were enjoying and loving it.
Some said she was only Ryu Donovan's flavour of the month. But it's already been three months since the guy started pursuing her, ano na ang tawag doon? Ni hindi niya kinakitaan ng pagod o pagsuko si Ryu, hindi yata uubra rito ang naisip niyang plano na hayaan nalang ito hanggang sa maumay sa kaniya.
May ilang pagkakataon na rin na inaabutan niya si Ryu sa gate at nakasandal sa gilid niyon tuwing hapon after classes, sadya siyang hinihintay. Madalas ay deadma nalang siya rito at nagpapasalamat siyang hindi siya nito sinusundan pauwi, naroon lang ito parati para makita siya bago matapos ang araw at magpaalam.
At kahit sa volleyball practice nila ay naroon palagi sina Seann, Raven, Marco at Jet para i-cheer siya. Although sina Jet at Raven ay tahimik lang at tila nagbabantay, sina Seann at Marco ay parehong maingay at naririndi siya. She would often shout at them and shoo them away but they won't go. Ini-reklamo na rin niya ang mga iyon sa coach niya pero ang sagot lang nito ay wala naman daw ginagawang masama ang mga iyon. True, they were just simply cheering, however, it really pissed her off. Ang mga kasama niya sa team ay namamangha dahil naroon ang grupo para i-cheer siya, hence, they treated her like someone special and she didn't like it.
She needs to find a way to shoo Ryu Donovan. Ayaw niyang magpatuloy ito sa ginagawa, dahil nauubusan na siya ng pasensya. Pero ano ang gagawin niya?
*****
"Another lotus origami from mah boy Ryu Donovan," kinikilig na sambit ni Dani nang dumating si Luna sa classroom nang umagang iyon. Ini-nguso nito ang origami na nakapatong sa desk ng dalaga.
Luna took the origami, crampled it, and shove it inside her bag. Nakasimangot siyang naupo sa upuan niya saka nangalumbaba. Nagkatinginan sina Kaki at Dani.
"Ano na naman ang nangyari?" ani Kaki pagkaraan ng ilang sandali.
Matagal bago nakasagot si Luna, "Don't tell me na hindi niyo nakita ang video na naka-post sa social media about me and Ryu Donovan?"
Malakas na tumawa ang dalawa, inagaw niyon ang pansin ng ilan pa nilang mga ka-klase na abala sa pakikipag-usap.
"Iyon ang dahilan ng ikinagagalit mo?" natatawang sambit ni Dani. "That video was posted months ago, sa social media page ng CSC. It was posted a few days after the canteen incident. Hindi ako makapaniwalang ngayon mo lang nakita ang video,"
"I don't like social media, I don't even have any social media accounts!" she hissed.
Anong galit niya kaninang umaga nang makatanggap ng tawag mula sa Mommy niya at sinabi nito ang nakitang video sa social media page ng CSC na fina-follow nito. Her mother saw her on that video arguing with a 'young hearthrob'. Knowing her mom, ay kinikilig ito sa mga ganoon. Kaya habang kausap niya ang mommy niya sa phone ay mabilis siyang bumangon at binuksan ang laptop para i-check ang video na tinutukoy nito. And there she saw it, ang buong pangyayari noong una niyang nalaman kung sino si Umbrella man doon sa canteen, mula sa paghatsing niya rito hanggang sa pagtakbo niya paalis. Her mother thought it was so romantic that she wanted her to give that 'young hearthrob' a chance. Sigurado siyang isa sa mga estudyante ang nagkalat no'n.
Lalo siyang nagalit nang sa pagdating sa school ay may nakasalubong siyang mga babae from the college department at hinarangan siya sa gate. They were all calling her names, like 'pakipot', playing-hard-to-get, and malandi. Sinabi ng mga itong nagpapakipot lang siya para lalong ma-challenge si Ryu sa kaniya at lalo siyang habulin. Na pasasaan din daw ba at bibigay din siya kalaunan.
She hated it when people act as if they know her. As if they knew what's on her mind, and as if they had the right to insult her. Pero dahil pinalaki siya ng maayos ng mga magulang ay hindi niya pinatulan ang mga ito, so she pretended that she heard nothing. Kaya pagdating sa classroom nila ay doon lang niya pinakawalan ang inis at sama ng loob niya.
Ryu Donovan's adoration for her had become the topic in school in the past couple of months and she despised it. Because of him, her name had become part of the school gossips. Kalat na kalat na ang tsismis at sa tuwing may makakasalubong siyang mga babaeng college students ay nakakatanggap siya ng masamang tingin o mga parinig.
"Even some of the teachers found that video romantic, Luna," ani Kaki na nagpagising sa diwa niya.
Hindi siya kumibo.
"Naiintindihan naming hindi mo type ang mga bad boy type like Ryu Donovan, pero kahit kaunti ba, you really don't find him attractive?" sabi naman ni Dani.
"He's attractive, alright, pero hindi ko type. Bakit niyo ba pinagpipilitan na magustuhan ko rin siya?" nakasimangot pa rin niyang sambit.
"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang kasi, kung sa ibang babae nagkagusto si Ryu, siguradong ikatutuwa nila ang mga efforts and gestures na ipinapakita niya. We are just wondering why you are being so tough on him?" sabi pang muli ni Dani.
Matagal bago siya sumagot, itinuon niya ang pansin sa labas ng bintana ng classroom.
"Because my life here at school was supposed to be peaceful and fun. I've never dreamed of becoming a target of gossips. Halos lahat ng babaeng may gusto sa lalaking iyon ay galit sa akin. I've endured the negative remarks and the dangerous glare from all those girls even if I know that I don't deserve them. Kasalanan niya ang lahat ng ito."
Nakakaintinding tumango sina Dani at Kaki. Ilang sandali pa'y nilapitan siya ng mga ito at tinapik sa magkabilang balikat niya.
"Paano kung sincere talaga si Ryu sa intensyon niya sa iyo? At paano kung hindi siya titigil hanggang sa matutunan mo rin siyang magustuhan?" maingat na tanong ni Kaki.
Nagkibit balikat siya, "What's meant to be does not need to be forced."
Hindi na nakasagot pa ang dalawa matapos ang marinig ang huling sinabi niya. Hanggang sa dumating nalang ang guro nila at nag-umpisa na ang klase.
*****
Pagdating ng lunch time ay nagyaya si Luna kina Kaki at Dani na pumunta sa canteen para doon kumain.
Na-late siya ng gising noong umagang iyon at hindi na nagkaroon ng oras para maghanda ng babaunin. She didn't even have breakfast so she was really starving. Inaasahan na rin niyang pagdating sa canteen ay naroon ang taong ayaw niyang makita, pero wala siyang ibang choice kung hindi ang makaharap ito.
Pagdating sa canteen ay tinginan ang mga estudyante sa kanila. Akma na silang pipila sa counter nang humarang sa daan nila sina Seann, Raven at Jet.
"Good morning, Luna," sabay na bati ng dalawa habang si Jet ay walang imik at nanatili lang na nakamasid sa kanila.
Hindi siya sumagot.
Sina Kaki at Dani nama'y sinenyasan ang mga ito na huwag muna sa araw na iyon dahil mainit talaga ang ulo ng isa, pero hindi iyon na-gets ng grupo kaya hindi umalis ang mga ito sa daan.
Si Luna ay huminga ng malalim at saglit na ipinikit ang mga mata, as if trying her best to control her annoyance. Nang magmulat ay seryosong nagsalita, "Pwede niyo bang i-schedule ang araw ng pag-sira niyo sa mood ko? For an instance— MWF, give me silence and peace. And then—TTH, you can do whatever you want and I don't even care anymore. I'm just tired of seeing you guys everyday. Give me space, okay?”
Natigilan ang mga ito, marahil dahil nahimigan sa tinig niya ang pagod at pagpapasensya. Sinulyapan ng mga ito sina Dani at Kaki na tumango lang at nakikiusap din. Nakakaintinding tumango ang mga ito at binigyang daan sila.
Hanggang sa maka-order sila at makaupo sa isang table ay hindi na nga sila nilapitan ng grupo. Bagaman naroon lang ang mga ito sa hindi kalayuan, naka-upo at nag-uusap ay panay ang sulyap sa kanila.
Patapos na sila sa tahimik na pagkain nang may lumapit sa mesa nila at naupo sa tabi niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita si Ryu at bago pa man siya maka-apuhap ng sasabihin ay itinaas nito ang kamay at dinala ang palad sa noo niya.
Malakas siyang napasinghap.
"Are you sick or something?" anito, nasa tinig ang pag-aalala. "The boys told me you seemed off today."
Nang matauhan ay tinabig niya ang kamay ni Ryu saka tinapunan ito ng masamang tingin, "Sinabi ko sa mga alagad mong tantanan ako kahit ngayong araw lang. I need space!" hasik niya.
Tumango si Ryu. Tumayo ito, hinila ang upuan palayo sa kaniya ng ilang pulgada saka muling naupo roon. "Okay. There's your space."
*****