"Okay. There's your space."
She let out an exhasperating sigh. Uminom siya ng tubig at nagpunas ng bibig bago tumayo, "It's been three months since you started messing around in my life, haven't you had enough? Bakit hindi ka maghanap ng ibang babae sa college department para pag-aksayahan mo ng panahon? I'm a busy person, I have no time for games—"
"But I'm not playing games, Luna."
"I have no time for boys—"
"I'm already a man, not a boy."
"You don't get it! I have no interest in you at kahit ano pa ang gawin mo ay hindi ako magkakagusto sa iyo. I just want to focus on my studies and have a peaceful life here at school. So if you could just stop this and stay away from me, that'll be highly appreciated!"
Sandali itong natigilan sa sinabi niya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. She was literally looking down at him, waiting for his answer.
Sina Kaki at Dani na nasa harapan lang ay pigil-pigil ang mga hininga, they wouldn't dare say a word.
Ryu took a deep breath and released a sweet smile, "I always believe that if I look life in a positive way, positive things will happen." Tumayo ito, "So I'll consider what you said earlier as a challenge. It's okay if you don't like me now, because I know that you will someday."
"Don't force things to happen, Ryu Donovan," mariin niyang sabi bago ito tinalikuran. Subalit bago pa man siya makahakbang ay hinawakan siya nito sa siko niya at pinigilan.
That's it.
Bago pa niya maawat ang sarili ay umangat na ang kamay niya, and slapped the hell out of Ryu Donovan.
Malalakas na singhap ang narinig niya mula sa mga estudyanteng nasa paligid. They were all surprised of what she did, no one has ever done that to the Alexandros leader. Siguradong headline na naman sa school ang nangyari at pag-uusapan ng naman ng mga estudyante sa loob ng ilang araw.
"Oh my gosh, Luna!" pabulong na sigaw ni Dani nang mahimasmasan.
Nakita niyang gulat na gulat din si Ryu sa ginawa niya dahil natigilan ito at tila hindi makapaniwala sa sampal na natanggap mula sa kaniya. Ngunit ilang sandali pa'y nahimasmasan din ito at dinama ang pisnging nasaktan. He flexed his jaw and stared at her with amusement in his eyes.
"Wow," he muttered. "I didn't know you're a strong woman, Buttercup. My adoration for you just escalated to another level."
Lalong uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Huminga siya ng malalim at saka umiling.
"You're impossible, Ryu Donovan," aniya bago mabilis na tumalikod at lumayo. Mabilis siyang naglakad palabas ng canteen, leaving everybody in awe.
*****
"I haven't seen the Alexandros lately," komento ni Dani isang hapon habang naglalakad sila patungo sa covered court para manood ng practice game ng basketball team kung saan miyembro si Stefan. Kakatapos lang ng panghapong klase nila kaya wala na silang ibang gagawin.
"Ang narinig ko ay suspended sila from school for a few days. May binugbog na naman silang college students pero hindi taga-CSC. Nakarating sa mga school officials ang ginawa nila kaya pinatawan sila ng suspension," ani Kaki na nasa cellphone nito ang tingin.
"Ilang araw na rin tayong walang free lunch, gusto ko pa naman ang chicken pastel at sushi ni Mr. Hotshot," sabi muli ni Dani na panay ang tingin kay Luna na tila nagpaparinig.
"I like his seafood pasta," sagot naman ni Kaki.
Gustong umikot ng mga mata ni Luna sa mga sinasabi ng dalawa. Totoong ilang araw na nilang hindi nararamdam sa paligid ang Alexandros at wala na rin siyang natatanggap na bulaklak at note sa loob ng ilang araw. Nagpasalamat siya sa pag-aakalang talagang sinukuan na siya ni Ryu Donovan matapos ang sampal na iginawad niya rito noong nakaraang Biyernes, pero hindi pala ganoon ang nangyari. Na-suspinde lang pala ang mga ito sa school.
Binilisan niya ang lakad at nauna sa dalawa.
Nang mapadaan sila sa Literature bulding ay nahinto siya nang may biglang maisip.
Naroon pa kaya ang pusa niya? The one he named 'Belle'.
Gusto niyang puntahan at silipin iyon pero naisip niyang para saan? She's allergic to cats and she hated the guy. Umiling siya at itinuloy ang paglalakad.
Pagkarating ng Tourism building ay hindi alam ni Luna kung itutuloy niya ang paglalakad. Lahat ng mga babaeng college students na madaanan nila ay masama ang tingin sa kaniya.
But of course, courtesy of Ryu Donovan!
"It feels like we're walking into the lion's den," bulong sa kaniya ni Dani. Magkahawak ito at si Kaki na tila nagtatago pa sa likuran niya.
Huminga siya ng malalim, "We're not doing anything wrong."
"Tell that to them," sagot pa nito.
Ang mga babaeng Tourism student ay nakahalukipkip at mga nakataas ang kilay habang sinusundan sila ng tingin. They looked like a predator with the way they glared at them.
"Now you understand why I hate getting Ryu Donovan's attention," bulong niya sa mga kaibigan.
Pagkadating nila sa gymnasium ay lalong dumami ang mga matang nakasunod sa kanila. Daig pa niya ang isang kriminal kung tapunan siya ng mga ito ng masamang tingin. Sana pala ay hindi na sila nagpunta roon.
Hanggang sa makaupo sila sa bleachers ay nakasunod pa rin ang tingin ng ibang mga college students na tila hindi gustong makitang naroon siya. Ang iba'y nagbubulungan. Sa isip ay hindi niya maiwasang isisi ang lahat kay Ryu Donovan.
"Don't mind them, Luna," ani Kaki sa tabi niya. "They're all just jealous of you. Let's just watch the practice game,"
Ano pa nga ba? Tumango siya at itinuon ang pansin sa game. Kanina pa nag-uumpisa ang practice game ng highschool at college departments' basketball teams. Si Stefan ay kabilang sa mga star players ng highschool department at naroon ito sa court ngayon. She smiled. She and Stefan have become friends, parati itong sumasabay sa kaniyang kumain tuwing lunch sa classroom kapag may baon siya. Magandang simula na sana iyon kung sana ay hindi umi-epal ang Alexandros at si Ryu Donovan.
"She's not even that beautiful, why would Ryu waste his time on her?"
Natigilan siya nang marinig ang usapan ng mga babae sa likuran nila. Basically, since nasa bleachers sila nakaupo, ay nasa uluhan nila banda nakaupo ang mga nag-uusap.
"I heard that she's one of the smartest in her class, but other than that, she's a nobody. Naging popular lang sa buong CSC dahil kay Ryu."
"She doesn't even have a personality. She looks plain and simple."
Si Dani ay akmang tatayo para harapin ang mga babaeng nasa likuran nila pero mabilis niyang hinawakan sa braso ang kaibigan para pigilan ito.
"Don't," aniya.
Dani glared at her.
Umiling siya, "Calm down."
Kulang nalang ay magbuga ng apoy si Dani nang bumalik sa pagkakaupo. Humalukipkip ito at inis na itinuon ang pansin sa game.
Sa hula ni Luna ay nasa apat o limang estudyanteng babae ang naroon sa likuran nila. At kung nakamamatay ang mga tinging ipinupukol ng mga ito sa kaniya ay marahil natumba na siya kanina pa.
"Pakiramdam ko'y nasa gyera tayo at kanina pa natadtad ng bala itong mga katawan natin," komento ni Kaki na nasa game ang tingin.
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa game at pilit na ibinaling doon ang pansin.
Sa mahabang sandali ay nanatili lang silang ganoon. Kapag umalis sila ay para narin silang natalo sa laban.
Habang tumatagal ay gumaganda ang laban sa pagitan ng highschool at college departments. Ang mga estudyante ay kaniya-kaniyang cheer sa mga idolo at nilamon ng malakas na ingay na iyon ang panlilibak ng mga babae sa likod nila, dahilan upang sandaling makalimutan ni Luna ang mga ito.
Three of them were cheering, too, for Stefan. They were enjoying the game when suddenly, she felt a cold liquid dripping down her body. Nang yukuin niya ng sarili ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang basang-basa ang puting uniform niya. An orange juice?
"What's wrong—" nanlaki ang mga mata ni Kaki nang makita ang nangyari sa kaniya. Dahil sa nipis ng suot niyang uniporme ay halos nakikita na ang suot niyang brasierre.
"Oh my gosh!" hindi napigilan ni Dani na mapatili nang makita siya. Sabay nilang nilingon ang mga babaeng nasa likuran lang nila kanina na naglalakad na palayo at nagtatawanan. "Oh, those witches! Sila ang may gawa niyan sa'yo!
"Luna, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kaki.
Bahagya lang siyang tumango, pero sa kaloob-looban ay nanlulumo siya sa itsura ng uniform niya.
Her friends covered her up para hindi siya makita ng mga lalaking estudyante. Ilang estudyante na rin ang mga nakakapansin sa kanila, kaya nagpasya silang umalis na roon bago pa man nila makuha ang atensyon ng lahat.
Pagdating sa labas ay inabutan pa nila doon ang mga babaeng nagtatawanan at tila hinihintay ang paglabas nila. They are from the Fine Arts Department, pawang mga mukhang sosyal. Ang mga iyon ang nasa likuran nila kanina.
"Hey you," anang isa sa mga ito na siyang tumatayong leader ng grupo. The lady has a really pretty face with a long, straight and silky hair. Humarang ito sa daanan nila at nakahalukipkip na sinuyod ng tingin si Luna na naka-krus ang mga braso sa dibdib para takpan ang sarili. "Yes, you aren't that beautiful—no, actually, you look simple. How did you do it?"
"Do what?" buong tapang niyang sinalubong ang mapanuring mga tingin nito.
"Ryu Donovan is everybody's cup of tea. How can someone like you get his interest?" Bawat salitang sinabi nito ay tila kay pait na gustong matawa ni Luna.
Si Dani na akmang makikipagsagutan ay muling pinigil ni Luna, "Don't, Dani. Let's not stoop down to their level."
Buhat sa sinabi niya ay malakas na napasinghap ang babaeng nasa harapan niya. Her face turned red, she raised her hand and was about to do something when a familiar voice was heard.
"You know I don't tolerate bullying, Tori."
Lahat sila'y natuon ang pansin sa nagsalita sa likuran ng mga babaeng estudyante.
And then there was Ryu Donovan, standing behind them, wearing a white shirt and denim jacket, hands in his denim's pockets and eyes as dangerous as the wild beast's.
*****