NAKAHIGA si Paige sa sofa sa may sala habang hawak niya ang cellphone. Abala siya sa pagba-browse ng social media account niya ng tumunog ang doorbell sa labas ng kanyang condo. Inalis naman niya ang tingin sa hawak na cellphone at inilipat niya ang tingin sa gawi ng pinto. Muli na namang tumunog iyon. Sa pagkakataong iyon ay bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Inilapag niya ang hawak na cellphone sa center table at naglakad siya palapit sa gawi ng pinto para pagbuksan kung sino ang kumakatok. Hindi nga din siya nag-abalang ayusin ang buhok sa isiping baka si Asunta ang kumakatok. Binuksan naman niya ang pinto. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng pagbukas niya ng pinto ay hindi si Asunta ang napagbuksan niya ng pinto kung hindi ay si Gregory. Napakurap-ku