ABALA si Gregory sa pagre-review sa business proposal niya sa kanyang laptop ng tumunog ang intercom niya. Inalis naman niya ang atensiyon aa harap ng laptop at inilipat niya iyon sa intercom na tumutunog sa sandaling iyon. Pagkatapos ay inangat naman niya iyon para sagutin ang tumatawag. "Yes?" he said in a baritone voice. "Hello, Sir Greg," narinig naman na wika ni Simon mula sa kabilang linya. "Nandito po ang Mama niyo, Sir. Gusto niya po kayong kausapin," imporma ito sa kanya kung bakit ito tumawag. Hindi naman napigilan ni Gregory ang mapakunot ng noo ng marinig niya kung sino ang nando'nsa lanas ng opisina niya at gusto siyang kausapin. "Let her in," wika naman ni Gregory sa Secretary niya. "And Simon cancel my appointment today," utos naman niya dito. Baka kasi magtagal ang