Lorna
"Thank you kasi ipinakilala mo 'ko sa pamilya mo," nakangiti kong sabi kay Darell habang naririto na ako sa pinto ng guest room nila.
"Dapat lang naman na ipakilala ang girlfriend sa pamilya, 'di ba? Lalo na ngayong ikakasal na tayo," sagot niya ngunit hindi ko nakikita ang saya sa kanyang mga mata.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Lihim akong huminga ng malalim at kaagad pinalis ang mga negatibong isipin.
Nagkunyari na lamang akong humihikab sa harapan niya. "Haay, sige na. Inaantok na talaga ako. Goodnight."
Lumapit ako sa kanya at mabilis na humalik sa pisngi niya. Ngunit bahagya akong natigilan nang makita ko ang kapatid niyang si Denver sa likuran niya. Nakasandal ito sa labas ng isang pinto na sa tingin ko ay silid niya at taimtim na naman siyang nakatitig sa akin.
"Alright, goodnight. Sleep well," ani Darell kasabay nang paggulo niya sa buhok ko.
Nakita kong naglalakad na si Denver patungo sa kinaroroonan namin kaya't mabilis na akong umatras at dahan-dahan nang isinara ang pinto.
Napansin kong nasa akin pa rin ang paningin niya habang nababasa ko ang amuse niyang mga ngiti. Binigyan ko na lamang ng munting ngiti si Darell bago ko tuluyang isinara ang pinto.
Napasandal ako dito at ramdam ko na naman ang malakas na pagtibok ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko na hindi ko na mapangalanan.
Hindi maalis-alis sa isipan ko ang nangyari kanina sa banyo. Kung paano ko natitigan nang malapitan ang napakagwapo niyang mukha. Ang mabango niyang hininga, ang lambot at init ng mga labi niya. Ang dila niyang pumasok sa bibig ko at init ng palad niyang humaplos sa maselang parte ng katawan ko.
At sigurado na akong pag-aari niya rin ang paa sa ilalim ng mesa na humaplos sa mga hita ko habang nasa harap kami ng hapagkainan at ng pamilya niya.
Diyos ko, patawarin niyo po ako. Kailangan ko siyang layuan. Kapatid siya ng fiance ko!
"Hindi ba masyado kayong nagmamadali sa kasal na 'yan, kuya?" Natigilan ako nang marinig ko ang tinig niya mula sa labas ng pinto.
Nailapat ko ang tainga ko dito at pinakinggang mabuti kung anuman ang isasagot ni Darell sa kanya.
"What do you mean?"
"I'm just worried about your condition. Don't you still remember nothing about your past?"
Napahawak ako sa bibig ko sa sinabing iyon ni Denver sa kuya niya.
"What if your memory suddenly comes back and you discover something you can regret?"
"But it's been four years. Do you think it'll come back?"
"I don't know. I'm not sure either, but I hope you think carefully first."
Namayani ang saglit na katahimikan. Wala akong narinig na sagot mula kay Darell.
"I'm just concerned about you. We don't know if you have anything left in your past and suddenly go back to your present. I'm just giving you some advice as your younger brother."
"Yeah. Thanks."
Naramdaman ko na ang mga yabag nilang papalayo hanggang sa tuluyan na itong mawala. Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin. Tumayo ako at nagtungo sa kama.
Nagsimula nang mamuo ang takot sa dibdib ko.
Paano nga ba kapag bigla na lamang bumalik ang alaala niya? Paano na? Paano na ako? Siguradong iiwan na niya ako at babalikan niya ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Hindi ko yata kakayanin 'yon.
Minahal ko na siya sa loob ng apat na taon, simula noong magkakilala kami sa Dubai. Sa unang pagkikita pa lang namin ay kaagad akong nahulog sa kanya, lalo na't napakabait niyang tao. Magkasama kami sa trabaho bilang parehong welder.
Nang maaksidente siya noon ay sobrang takot ang naramdaman ko. Ang akala ko ay hindi na siya magigising pa dahil umabot na ng limang buwan ang pagkaka-coma niya sa hospital. Mabuti na lang at nakuha ko ang contact number ng Mama niya sa mga gamit niya kaya siya ang una kong tinawagan noon. Pero ang ama niya na hindi ko akalaing bilyonaryo ang siyang dumating sa hospital.
Nang magising siya ay halos sambahin ko ang lahat ng Santo sa sobrang pasasalamat ko ngunit ang nakakalungkot, wala na siyang maalala. Kahit ako ay hindi niya matandaan.
Kinuha siya ni Tito David at iniuwi dito sa Pilipinas. Samantalang ako ay tinapos ko ang dalawang taon kong kontrata doon bago ako umuwi dito. Isang taon ang lumipas bago kami muling pinagtagpo sa isang restaurant.
Laking pasasalamat ko naman dahil natandaan niya ako na siyang nag-alaga sa kanya sa hospital noon sa Dubai. Ipinakilala ko na rin ang sarili ko sa kanya ngunit hindi lahat ay nasabi ko sa kanya.
Nagawa kong magsinungaling sa kanya dahil sa labis kong pagmamahal sa kanya. Nagpakilala akong girlfriend niya, na kaagad niya rin namang tinanggap. Labis-labis ang saya ko noong mga sandaling 'yon.
Simula noon ay palagi na kaming nagkikita dito. Natutuwa ako dahil katulad noong unang buwan naming pagsasama sa trabaho sa Dubai ay kaagad din siyang napalagay ang loob sa akin at ngayon nga ay pinlano na naming magpakasal.
Ngunit heto na, mukhang inuusig na ako ng kapalaran. At sa pagpasok sa buhay ko ni Denver na hindi ko matandaan kung saan ko siya nakilala, mukhang masisira na ang lahat ng mga pangarap ko.
Sino ba talaga siya? Paano niya nasabi ang mga bagay na 'yon sa akin kanina? Hindi ko talaga siya kilala. Wala rin akong natatandaan na nauntog ang ulo ko at nawalan din ako ng alaala. Sigurado akong ngayon pa lamang kami nagkaharap sa buong buhay ko.
Ginugulo niya ang isipan ko! Hindi kaya siya ang umaarte sa aming dalawa at gusto niya lang akong manyakin? Bwisit siya! Puputulan ko talaga siya!
Minabuti ko na lamang na maligo upang mawala ang inis at alinsangan na nararamdaman ko.
Matapos ay nagsuot lamang ako ng robe dahil wala rin naman akong dalang damit dito. Pagbisita lang naman ang itinungo namin dito ni Darell pero sinabi niyang bukas na lang niya ako ihahatid sa tinitirahan kong apartment.
Kaagad na akong nahiga sa kama at mabilis ring nakaramdam ng antok.
Napansin kong nililipad-lipad ng hangin ang kurtina sa sliding door ng balcony na nakabukas ngunit namimigat na ang katawan ko at hindi na kayang tumayo pa.
Tuluyan nang nagsara ang namimigat ko nang mga mata at kaagad akong nakatulog ng mahimbing.
Ngunit hindi pa nagtatagal ay bigla akong nakaramdam nang marahang paghaplos sa mga hita ko hanggang sa umakyat ito sa p********e ko. Naramdaman ko ang bigat niya sa ibabaw ko at pagkalas nang pagkakabuhol ng suot kong robe.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mainit na bagay na sumakop sa ituktok ng kaliwa kong dibdib na siyang naghatid sa akin ng kakaibang sensasyon. Pinaglaruan ito ng animoy dila bago marahang sinipsip.
"Uhmmnn..." mahinang ungol ang kumawala mula sa bibig ko at hindi ko napigilan ang mapaliyad.
Gumapang ang kakaibang init sa katawan ko at nakaragdag ang patuloy niyang paghaplos sa aking babae na pakiramdam ko ay namamasa na.
Gumapang ang mga halik niya patungo sa aking leeg hanggang sa marating niya ang puno ng tainga ko at marahan niya itong kinagat na siyang naghatid ng kilabot sa buo kong katawan.
"I'll make sure you pay for the loss of my brothers," bulong niya na siyang ikinahinto ko at ikinadilat ng aking mga mata.
"D-Denver?"