CHAPTER 11: Swear to God!

2128 Words

Lorna Pinili ko na lamang na bumalik sa kanto at muling pumara ng jeep. Tinawagan ko ang numero ni Lindsay. Kaagad din naman siyang sumagot, "oh, nasaan ka?" "Nasa jeep." Kaagad akong sumakay sa jeep na huminto sa harapan ko. "Nandyan ka ba ngayon sa apartment mo?" "Nasa trabaho pa 'ko." "Papunta ako sa apartment mo. Anong oras ka uuwi?" "Five pa ang out 'ko, bruha. Alas tres pa lang." Nilingon ko ang kotse ni Denver sa looban habang nagsisimula nang umalis ang jeep. At naroroon pa rin ito hanggang ngayon. Hindi ako sigurado kung nasa loob siya niyon dahil tinted ang mga salamin ng bintana nito. Siguradong hindi niya ako nakita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumikilos doon. Tuluyan nang nakaalis ang jeep na sinakyan ko. "Sige, hihintayin na lang kita." "Nasaan ka ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD