Lorna "D-Denver..." Patuloy niya akong hinila sa hallway. Dito sa 8th floor niya ako dinala kahit nasa 10th floor ang room ko. Pagdating sa dulong bahagi ay lumiko kami sa kanan at huminto sa isang pinto. Kaagad niyang inilabas ang isang card mula sa bulsa niya at siyang ginamit niya sa pagbukas ng pinto. Kinakabahan ako ng sobra. Gusto kong tumakbo ngunit hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Tuluyan na niyang nabuksan ang pinto at kaagad akong hinila papasok sa loob. Isinara niya rin ito kaagad at ikinandado. "Denver, please... maawa ka naman sa akin." Sumuksok ako sa sulok. Hindi pa akong handang mawalan ng virginity at kay Darell ko lang din ito gustong ibigay. Ito na nga lang ang natitira sa akin. Paano kapag kinuha na rin niya ito? Talagang wala na akong maipagmamalaki pa s