Lorna "He tried to rape her." Napalingon ako kay Denver sa diretsahan niyang sinabi na 'yon sa harapan ng Pulis. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa presinto. Kaharap namin ang taxi driver na ngayo'y gising na ngunit patuloy pa rin sa pagdurugo ang ulo niyang tinamaan kanina ng bat. "Totoo ba 'yon?" tanong sa kanya ng Pulis. "Hindi po, Sir. Hinihingi ko lang naman ang bayad niya kasi sabi niya ihinto ko na daw. Bababa na daw siya. Eh, wala naman pala siyang pambayad." Napanganga naman ako sa isinagot niya. "Sinungaling ka! Mayroon bang taxi driver na humihingi kaagad ng pamasahe kahit umaandar pa?! Pinaharurot mo 'yong taxi at sinabi mo sa aking may pupuntahan pa tayo! At may pambayad ako, kahit isaksak ko pa sa baga mo!" hindi ko na rin napigilang sigawan siya. "Look at her foo