Lorna Muli kaming bumalik sa room niya. Pabalya kong ibinagsak sa sofa ang mga bag ko. Siya naman ay nagtungo sa mesa kung saan naroroon pa rin ang mga nakahaying pagkain. "Kumain ka na?" tanong niya habang nakatitig sa kutsarang ginamit ko kanina at may bahid pa ito ng pagkain. Hindi ko siya sinagot. Inilabas ko ang phone ko mula sa shoulder bag ko at nag-scroll sa phone book. Huminto ako sa number ni Lindsay. Magtu-twelve na ng hatinggabi. Siguradong humihilik na ang babaeng 'yon ngayon. Hindi rin naman 'yon makakasundo sa akin. Si Darell kaya? Nasaan na kaya siya ngayon? Nakauwi na kaya siya o naririto pa rin sa hotel? Siguradong tulog na rin 'yon ngayon. Hindi kaya nalasing siya sa inuman nila kanina? Nilingon ko si Denver na abala na sa pagkain sa mesa. Napansin ko ang kutsara't