THE BILLIONAIRE'S WIFE IS A DANCER : CHAPTER 3 ( HOPE )

1030 Words
MARIE POV Nasa pintuan na kami ng bahay nang tinawag ako ni Aling Sonia. "Marie, mabuti naman at naka-uwi kana. Kanina pa ako kumakatok diyan sa inyo, akala ko tulog ka lang. Sabi ng asawa ko nagmadali ka daw umalis bitbit si Marky." Mahabang wika niya. "I-inatake na naman po kasi sa kanyang sakit si Marky Aling Sonia, kaya napasugod kami sa ospital." sabi ko sa kanya. "Ganoon ba, kumusta naman siya? Okay na ba?" Tanong niya sa akin. Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng bahay. "Pasok po muna kayo Aling Sonia." Sabi ko at pumasok ako para maihiga sa papag si Marky. "Ano pa lang nangyari iha? Alam kong hindi ka kumportable dahil ngayon lang ako nag-usisa. Nandito ako para damayan ka, alam kong marami ka nang pinagdaanan." Sabi niya sa akin. "Malala na po ang sakit ni bunso." Nangingilid ang luha ko habang nag-sasalita. "Kailangan niyang ma-operahan sa lalong madaling panahon dahil kung hindi..." Huminga ako ng malalim bago nag-patuloy sa pag-kwento. "D-dahil kung hindi, ikakamatay niya po ang sakit niya Aling Sonia." Hagulhol ko matapos kong sabihin ang sitwasyon ng kapatid ko. "Susmaryusep, kawawa naman si Marky. Anong sabi ng doktor? Ano daw ang kailangang gawin?" Tanong niya. "Kailangan niyang sumailalim sa heart transplant. Si Doctor Salcedo na daw ang bahala sa heart donor. Pero kailangan kong makapag-ipon ng isang daang libo." Sabi ko sa kaniya. "Ang laking halaga niyan Marie. Saan mo kukunin ang perang iyan?" Tanong niya sa akin. Nahilamos ko ang mga palad ko sa mukha. "H-hindi ko alam Aling Sonia, hindi ko alam." Umiiling na sagot ko. Para akong mababaliw sa problemang kinaharap ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Bakit hindi mo subukang humingi ng tulong sa inyong Ama. Anak niya si Marky, hindi naman siguro siya tatanggi." Suhestiyon ni aling Sonia. "Hindi ko ho alam kung nasaan siya. Isa pa, kung iniisip niya kami dapat nagpakita siya. Pero ni anino niya wala." Sabi ko. "Hay naku, hindi ka sana malalagay sa ganitong sitwasyon kung hindi niya kayo iniwan. Hayaan mo iha, tutulong kami sa pagpa-opera kay bunso. Ako ang bahala." Sabi ni Aling Sonia at hinawakan niya ang kamay ko. "Tutulungan ka namin Marie, nandito lang kami kung kailangan mo nang malalapitan." Sabi ng mga kapit-bahay namin. Nasa pintuan pala sila at nakikinig sa usapan namin ni Aling Sonia. "Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat." Humihikbi kong sabi sa kanilang lahat. "Alam kong hindi maganda ang simula ng pagka-kilala natin Marie, pero nandito rin ako tutulong para sa operasyon ni Marky." Bungad ni Aubrey. Napangiti ako sa mga tinuran nila, nagkaroon ako ng pag-asa. Kung dati ay tsismis nila ang naririnig ko tungkol sa akin, ngayon nandito sila para damayan at tulungan ako. "At dahil diyan, kakain tayo. Birthday ko kaya, di mo alam?" Tanong niya sa akin. Natawa naman ako sa hitsura niya. "Sa dami ng problema ko, di ko naalala ang kaarawan mo Aubrey." Sabi ko sa kaniya. "Hehe, biro lang. Oh mga kapit-bahay ihanda ang lamesa sa labas at tayo'y kakain." Utos niya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila. Kahit papaano ay napangiti nila ako. MAYA POV Ako si Maya Santos, kapatid ni Marie Santos. Hindi ako galit kay Ate, naiinis lang ako dahil araw-araw na lang siya ang pinag-uusapan ng mga kapit-bahay naming tsismosa. Naawa ako kay Ate sa totoo lang, pero wala akong magawa. Nahihiya ako sa kaniya dahil inaway ko siya kahapon pag-uwi niya. Halata sa mukha niya ang pagod at puyat, tapos sinalubong ko pa siya ng ganun. Alam kong ginagawa ni Ate ang lahat para sa amin. Sa katunayan, siya na ang tumayong magulang sa aming tatlo. Pinasok niya ang trabaho na iyon dahil madali siyang nagkaka-pera. May sakit sa puso ang bunso namin, at kailangang ma-obserbahan ng doktor ang kalagayan niya. Minsan na ring nag-agaw buhay si Marky, pero sa awa ng Dios nakaligtas siya. Pinangako ko sa sarili ko na mag-aaral ako ng mabuti upang matulongan ko si Ate Marie. "Hoy! Ang lalim naman ng iniisip mo teh, baka malunod ka." Pukaw sa akin ni Lyca, kaibigan ko. " Hayy, may iniisip lang ako Ly. Lyca, mali ba ako?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya na nakatingin sa akin. " Ha? Anong mali? Bakit may ginawa ka ba?" Tanong niya. "Nagka-sagutan kami ni Ate kahapon. Kanina nahihiya akong humarap sa kanya, pero dahil sa project natin kinausap ko siya." Kwento ko. "Ano na naman ang tinanong mo sa Ate mo? Iyong tungkol sa trabaho niya?" Tanong niya sa akin. "Naiinis kasi ako, yung mga kapit-bahay namin siya na lang palagi ang pinag-uusapan." Sabi ko. "Alam mo teh, dapat hindi mo kinikwestiyon ang trabaho ng Ate mo. Para sa akin lang ha, hindi madali ang trabaho nila. Binabalandra nila ang mga katawan nila sa harap ng mga lalaki. Isipin mo teh, kahihiyan iyon sa ating mga babae. Pero dahil iyon ang trabaho nila, kailangan nilang tiisin at panindigan magka-pera lang. Kaya imbes na awayin mo ang Ate mo, i-boost mo ang confident niya. Ipakita mo na support ka sa kanya, at hindi mo siya kinakahiya. Huwag mong pansinin ang sinasabi ng ibang tao. Dahil sa trabaho ng Ate mo kaya ka nandito ngayon sa eskwelahang ito. Isipin mo ang mga sakripisyo niya para sa inyo. Teh, hindi panghuhusga ang kailangan ng Ate mo mula sa iyo, kailangan niya ng kakampi at karamay. Ginagawa niya ang lahat para sa inyong magka-kapatid. Kaya mag-sorry ka sa kanya at bumawi. Dahil kahit hindi nag-sasabi ang Ate mo, alam natin na nahihirapan na siya." Mahabang litanya ni Lyca. Nagising ako sa mga sinabi niya. Tama siya, kailangan ni Ate Marie ng karamay at hindi pang-huhusga ko. Mabuti na lang at matino ang kaibigan kong ito. Kahit minsan ay nagtatalo kami. Napa-isip naman ako kung paano ako babawi kay Ate. "Anong gagawin ko Ly? Paano ako hihingi ng sorry?" Tanong konsa kaniya. "Hmm... Ahuh! Bigyan mo nang flowers, peace offering mo sa kaniya. Kausapin mo siya ng puso sa puso, dugo sa dugo iyan ang gawin mo." Suhestiyon niya. Kailangan kong makabawi, uuwi ako ng maaga ngayon. Maaga namang natapos ang klase at project namin kaya pwedi na akong umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD