THE BILLIONAIRE'S WIFE IS A DANCER : CHAPTER 2 ( PROBLEM )

1030 Words
OLIVER POV Buong araw akong nasa trabaho at gusto kong ma-relax. Bumalik ako sa night club kung saan ako tumatambay. Pag-pasok may sumasayaw na sa intablado. Magaling siya at halatang sanay na sanay. Minsan ko lang din siya makita pero ngayon lang ako nag-karoon ng interes sa kanya. Bakit niya pinasok ang trabahong ito? Sa itsura niya, nababagay siya sa disenteng lugar at hindi dito. Kilala ko ang may-ari ng club kaya kinausap ko siya na gusto kong maka-table ang babaeng sumasayaw ngayon sa intablado. "Good evening Sir, nandito na po ang alaga ko. Mabait naman po ito kaya wala pong maging problema." Aniya ng may-ari nitong club "Sit." Utos ko sa kanya. Mas maganda pala siya sa malapitan kahit na may maskara siyang suot. "So, what is your name?" I asked. "A-ahm, ehemm, Ma-marie." Kinakabahan niyang sagot. "How old are you?" Tanong ko. "24 Sir." Nakayuko lang siya at 'di makatingin. "Since when did you work here?" Seryosong tanong ko. "Ahm, 3 years na po S-sir." Tinitigan ko siya sa mukha. Matangos ang ilong, perpektong labi at magandang mata. "If I offer you a money, aalis ka ba sa lugar na ito?" Tanong ko sa kanya na nag-paangat ng mukha niya. "A-ano?" Naka-kunot ang noo niyang usal. "I won't say it again. Just think about it, 24 hours. Babalik ako para alamin ang sagot mo. If it's a yes, I will help you. If it's a no, then I will force you." Sabi ko sa kanya at umalis na. I don't know why, pero may parte sa akin na gusto ko siyang alisin sa lugar na iyon. Hindi siya nababagay doon. Pauwi na ako ng bahay, malalim ang iniisip ko at siya 'yun. Nakarating na ako ng bahay, tumingin ako sa relo ko kung anong oras na. "Alas dose na ng hating-gabi." Bulong ko at pumasok na ako sa loob. "Kuya, thanks God you're here. I need money para sa school tomorrow." Salubong sa akin ng kapatid kong si Erica. "I will give you tomorrow. Pagod ako at gusto ko nang mag-pahinga." Tugon ko sa kanya. "Okay, hinhintayin kita tomorrow ha?" Aniya, nag-thumps up lang ako at dumiretso sa kwarto. MARIE POV Lunes na naman at wala akong pasok. Maaga akong nagising dahil hinanda ko ang baon ng dalawa kong kapatid na nag-aaral. "Ate baon ko? Padagdag na rin ng 200, may project kami." Aniya ni Maya. Tumingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin sa akin. "Tawagin mo si Marcus, kumain na kayo kukuha lang ako ng pera." Tugon ko at pumasok sa kwarto. Mahimbing pa ring natutulog si Marky. Dahan-dahan kong inabot ang bag ko at kumuha ng pang-baon nila Maya. "Oh, 250 'yan. Sa iyo naman Marcus ito. Mag-aral ng mabuti ha, wag kang makipag-away." Sabi ko kay Marcus. "Opo ate, ate may event po sa school bukas. Pwedi ka pong pumunta?" Tanong niya sa akin. "Oo naman, anong oras ba?" Tanong ko. "Sa umaga po ate, may certificate daw po ako sabi ni titser." Sagot niya sa akin. "Talaga? Naku pupunta talaga si ate. Sige na ubusin mo na 'yang pagkain mo." Utos ko at tumalima naman siya. "Ma-lelate ako ng uwi ate. Sa bahay ng classmate ko namin gagawin ang project baka gabihin." Aniya sa akin ni Maya. "Ganun ba, sige okay lang. Mag-iingat kayo ha." Bilin ko. "Opo, alis na kami." Paalam nila at umalis na. "A-atee!" Tawag ni bunso sa akin. Agad akong tumakbo sa kwarto para tingnan siya. "Bunso bakit? May masakit ba sa iyo?" Nag-alalang tanong ko. "A-ate masakit," reklamo niya. "Anong masakit?" Tarantang tanong ko. "Dito ate, masakit po ate. Huhuhu" Umiiyak na sabi ng kapatid ko. Kinabahan ako nang ituro ni Marky ang puso niya. Mabilis akong nagbihis at dinala ko siya sa ospital. "Marky, punta tayong ospital ha. Mawawala din 'yan i-heal ka ni Lord at ng doktor." Sabi ko sa kanya. Namumutla siya at nahihirapang huminga. Tumutulo ang luha ko habang tumatakbo ang taxi papuntang ospital. Agad akong nag-bayad at sinugod siya sa loob. "Nurse, si Doctor Salcedo nandito na ba." Tanong ko sa nurse na naka-salubong ko. "Yes po, diretso na po kayo sa clinic niya Maam." Anang nurse. Mabilis akong naglakad habang karga si Marky. Pagdating ko sa pinto ay agad akong pumasok. "Doc! Please tulungan niyo ang kapatid ko. Nahihirapan siyang huminga at masakit ang puso niya." Pakiusap ko sa doktor. "Ihiga mo siya sa kama Marie." Tugon niya. Agad ko namang sinunod at hiniga si Marky sa kama. Kinakabahan at nininerbyos ako habang sinusuri siya ng doctor. Pag-katapos siyang tingnan ng doctor ay kinausap ako. "Marie, tatapatin na kita. Palala ng palala ang sakit ng kapatid mo. Kailangan na niyang sumailalim sa heart transplant. Kung hindi natin ito gagawin, maaring..." Putol na sabi ni Doctor Salcedo. "Maaring ano po Doc?" Tanong ko sa kanya. "Maari niyang ikamatay." Natutop ko ang bibig ko at napahikbi. "Dois ko, bakit ang kapatid ko pa?" Tanong ng isipan ko. "A-ano po ang kailangan kong gawin Doc." Tanong ko sa kanya. "Kailangan mong maghanda ng malaking pera. Pwedi kitang tulungang hanapan ng heart donor ang kapatid mo. Kapag nakahanap na ako ay gagawin na natin ang operasyon." Paliwanag ng doktor sa akin. "Magkano ang gagastusin sa operasyon niya Doc?" Tanong ko. "One hundred thousand, maghanda ka ng one hundred thousand. H'wag kang mag-alala, ako ang bahala sa heart donor. Magtulungan lang tayo." Sabi sa akin ng doktor. Hindi ako nakaimik, saan ko kukunin ang ganoon kalaking pera? "S-sige po Doc. Pag-iipunan ko ang pera na iyon." Wala sa sarili kong sagot. "Sige Marie, magtiwala ka lang sa taas." Sabi niya sa akin. Kinarga ko na ulit si Marky at lumabas na kami ng ospital. Sumakay kami ng dyip pauwi ng bahay. Lutang ako habang nasa biyahe, hindi ko alam kung saan ko kukunin ang perang iyon. Kahit pa siguro ibenta ko ang katawan ko sa ganun kalaking halaga, walang magbabayad sa akin. Tumulo na naman ang luha ko sa isiping iyon. "Dios ko, tulungan mo'ko." Taimtim kong dasal. Huminto na ang dyip at bumaba ako karga ang kapatid ko. Natutulog siya at bumalik na rin sa normal ang kulay niya. Mabilis akong naglakad papasok sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD