"Umuwi ka na, Dewei," utos ni Sameer. "Ikaw? Hindi ka pa uuwi Kuya? Sabay na tayong umuwi," tanong naman nito na may pagyayakag na. "Mauna ka na, I have to talk to Liwayway, first. May paguusapan pa kaming dalawa," saad niya sa mariin at matigas niyang boses na ikinalunok ko. Mapag-iisa na naman kami ni Sameer. Abot tahip tuloy ang kaba ko. Matapos ng ilang araw naming hindi pagkikita ito na siya ngayon, muka pang galit. Dumako ang tingin ko kay Inang batid kong saklolohan ako at h'wag hayaan mapag-isa kami ni Sameer pero parang hindi niya ata naintindihan nang tumango lang siya sa akin, batid na hayaan ko si Sameer na kausapin ako. Tumingin naman sa gawi ko si Dewei at binigyan niya ako ng naaawang tingin. Alam niya rin na pagagalitan ako ng Kuya niya sa oras na mapag-isa kami. "Un